24/09/2025
May mga kapatid na mas matalas pa sa kutsilyo ang dila… pero sila rin ang magiging shield sa mga unexpected na laban mo. Yung kahit parang laging galit, sila rin pala yung laging nandiyan at hindi nagsasawang makinig sa kwento mo.
Oo, masakit sa tenga, pero sa totoo lang, sila yung hindi makakatiis na iwan ka. Kahit gaano ka pa katigas ang ulo, kahit ilang beses ka pa nilang pagalitan, sila rin yung unang pupulot sa’yo kapag nadapa ka.
Minsan, hindi mo kailangan ng matatamis na salita… ang kailangan mo, yung taong alam mong hindi ka bibitawan kahit down na down ka na.
Tandaan! Hindi lahat ng masasakit na salita nakakasama, yung iba para maalala mong may nagmamahal pa rin sa’yo.