20/06/2026
BALITA MONTALBAN:
Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Rodriguez Municipal Police Station sa Brgy. San Jose noong madaling-araw ng Hunyo 13. Sa operasyon, nakumpiska ang humigit-kumulang 240 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na mahigit ₱1.6 milyon. Narekober din ng mga awtoridad ang isang digital weighing scale, buy-bust money, at isang kalibre .45 na baril na may magazine at mga bala.
Patuloy na pinaiigting ng mga awtoridad ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad. Hinihikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at makiisa sa mga hakbang ng pamahalaan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga kinauukulang awtoridad.
**❓Sa inyong palagay, gaano kahalaga ang pakikiisa ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga? Ibahagi ang inyong opinyon sa comment section.**