10/06/2026
"Samantalahin niyo na yung pagkakataon na buo pa kayong kumakain sa hapag kainan kase darating ang time na hanggang memories nalang lahat yan"😇
STORYTIME:
Nung bata ako, inis na inis ako kse halos araw araw isda talaga ang ulam namin. nagrereklamo ako sa mga magulang ko kse yun lagi ang pinapaulam samin.
tapos ang isasagot pa samin yan kase ang mura kaya yun ang binibili nila.
( pero kahit ganon buo kami, ang saya , tawanan sa mesa ,ang daming kwentuhan and asaran ☺️)
Ngayon nag ka work at sariling pamilya nako dahan dahan na rerealize ko kung bakit kailangan nilang magtipid, yun nga lang nmn kse yung kasya sa kita nila and ang dami pa palang bills na dapat nila bayaran tapos nag aaral pa kami.
( dahil jan sobrang na realize ko din na dapat bago ka talaga mag pamilya ready ka din sa financial kse mahirap talaga kapag hindi . Ang mga anak mo mag sa-suffer and bilang magulang ma guguilty ka talaga kapag ndi mo nabibigay yung needs ng mga anak mo)
Plot twist ng buhay— Ngayon okay na sa financial
meron na pambili ng masasarap na ulam , wala na😔
may kanya kanya na kaming buhay, nasa ibang bansa na iba, may mga sarili na kaming mga pamilya at
ang pinaka mahirap tanggapin is wala na ang tatay namin.🥹
Everytime na kakain ako ng isda hanggang
reminiscing nalang yung mga masasayang memories namin magkakasama.
"happy memories" na hindi kayang pantayan ng mga masasarap na ulam....😔
Make the most of every moment with your family, because these moments won’t last forever. ❤️