14/10/2024
Buhay ng isang ina.
Maaga magigising para magasikaso ng pagkain na kakainin ng pamilya.
Magpapaligo ng mga bata, magbibihis at papakainin.
Aasikasuhin ang butihing asawa papasok ng trabaho.
Papatulugin ang maliliit na anak para makagawa ng gawaing bahay.
Maglalaba, maglilinis, maghuhugas, magsasampay at magliligpit.
Kapag tapos na ang mga gawaing bahay, saka palang maliligo at makakapagayos ng sarili.
Bago matulog, magliligpit ulit ng mga kalat, magwawalis, maghuhugas at magtitiklop ng sinampay.
Nakakapagod, nakakadrain.
Emotionally, physically, mentally and spiritually.
Pero sa lahat ng pagod na yan, isang halik at yakap lang ng anak mo mawawala na lahat.
Kaya sa mga ina jan na katulad ko, laban lang! Kaya natin to. Pwedeng magpahinga pero wag isiping sumuko, dahil satin lang din kumukuha ng lakas ang mga anak natin.
Dadating din ang araw na hindi na natin kailangan gawin yang mga yan kase gagawin na nila yan ng sarili nila kase malalaki na sila. Enjoy the moment, dahil hindi habang buhay bata sila.❤️🥰