30/07/2026
Inihayag ni Vice President Sara Duterte na hangad ng kanilang pamilya na sa Pilipinas pumanaw ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mangyari ang pinangangambahang sitwasyon habang ito ay nakakulong sa detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands. Ayon kay VP Sara, napag-usapan na nila ng kanyang ama ang posibilidad na ito at nagbilin na rin umano si FPRRD ng mga dapat gawin kung sakaling siya ay pumanaw habang nasa kustodiya ng ICC.