17/07/2025
๐๐ช๐ข๐๐ก๐๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐ ๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค โeveryday may bagong trend, bagong content, bagong ideya. Nasa social media halos lahat: balita, opinyon, lifestyle, identity. Sa isang click, pwede kang makisabay. Sa isang swipe, pwede ka ring mawala.
Pero sa gitna ng lahat ng ito, pwede pa rin tayong mamuhay nang may liwanag.
Hindi ibig sabihin na hindi ka na makikiuso, hindi na makikisabay, o lalayo sa social media or sa kahit ano pa mang meron na ang henerasyong ito. Ang tanong lang ay ito: habang nakikisabay ka, NAGLILIWANAG KA PA BA?
Hindi kailangang i-compromise ang mensahe ng kaligtasan para lang makasabay sa uso. Hindi mo kailangang baguhin ang katotohanang mula sa Kanya at sa Kanyang mga Salita para lang matanggap. Dahil kahit magbago ang kultura, magbago ang lifestyle, and trend or nang kahit ano pa man sa mundong ito, hindi nagbabago ang pagmamahal ng Diyosโat โyan ang dala mo.
Maaari kang mag-post ng trending, pero may katotohanan.
Maaari kang mag-comment ng totoo, pero may pag-ibig.
Maaari kang maging present sa digital world, pero planted sa Salita ng Diyos.
Hindi kailangang mamuhay sa dilim para lang maintindihan.
Maaari kang maintindihan , maunawaan at higit sa lahat makita - habang ikaw ay nagliliwanag.
Sa henerasyong ito, liwanag pa rin ang kailangan.
Maging LIWANAG SA DILIM.