19/11/2024
Long post ahead, about MY WARRANTY RULES‼️
■* 5days Replacement Warranty (NO WARRANTY STICKER, VOIDED WARRANTY)
■* 1month Service Warranty (Free labor only, parts not included)
■* NO WARRANTY (LCD, Update IOS, Broken LCD & Human Errors)
Malinaw na malinaw po yan, hndi po yan nawawala sa pricelist ko at minsan sinesend po ang rules sainyo.
Yan pong rules na yan ay hindi lang dahil gusto ko, kundi sinusunod ko lang din ang rules na binibigay sakin ng Boss/Supplier ko.
Kung nalabag niyo po yan 30/100 na ang chance na mapalitan sakin yan, at kung ipipilit ninyo ako po ang kawawa dito hindi po yan pinapalitan sakin kung bbigyan ko kayo ng bagong kapalit bibili po ko ng bagong unit? Ganon po ang gusto niyo? Nag bebenta po ako para kumita hindi para malugi, dahil matetengga yan sakin dahil hindi naman yan papalitan.
ABOUT NAMAN SA PINADALA NG SIRA DAW.
Nag sesend po ko ng pictures or videos before iship yan para makita nyo po na working.
Wag naman po isisi sakin kung lumabas issue ng phone 2-3days after nyo mareceive, kasi kung kayo po nagamit nyo pa ng 3days bago makita ang issue pano pa po ako ng 1hr lang nag test? Maaaring dito sakin hindi pa lumabas ang issue, sainyo nag tagal at mas nagamit nyo ng maayos at may apps na. Kaya po tayo my warranty para sa ganyan dahil mas matagal nyo pong magagamit yan, at kayo po mas makakakita ng issue. Kung alam ko pong may issue bakit ko naman po ipapadala?
ABOUT SHIPPING FEE.
Kapag po nasa replacement warranty pa nakikipag hati po ako sa shipping fee. YES!
Kung sa ibang supplier po kayo napunta hindi po sila nag shou-shoulder ng shipping fee. Yung iba nag tha-thank you ng sobra dahil nakikishare pa ako sa sf.
Naalala ko dating supplier ko na humihingi ako ng hati sa shipping fee ang sagot sakin humihingi daw ba sila sakin ng hati pambayad ng ticket pabalik ng china para sa backjob? Pero hindi ko ginaya, dahil alam ko kung pano niyo ppnag hirapan ang perang pinambili niyo.
Pero kung sa mall kayo bibili? Ultimo pamasahe niyo po papuntang mall hindi makikihati ang pinag bilhan nyo.
ABOUT CONCERN.
I have my time to check my messenger about concerns, Minsanan lang po humandle ang Admins ng concerns pag mga tanong lang na kaya nilang sagutin. Pero pag deep questions or matatagal ng lagpas warranty at ipapa replace ako po ang sumasagot po nyan.
Sana naka intindi lahat ng RESELLERS/BUYERS dito. Na wag isisi sa seller pag may issue ang unit lalo alam naman na nag send ng pic at video tapos ssbihin "shoulder niya sf kasi sya may mali" sinong seller ang mag papadala ng sira para lang mapunta sa sf ang tubo namin?