06/08/2026
Lord, maraming salamat po sa asawa ko at sa mga rider na naghatid ng aking order ngayon. Ipinapanalangin ko po ang kanilang kaligtasan sa bawat kalsadang kanilang tatahakin. Patuloy mo po silang gabayan at ilayo sa anumang aksidente, kapahamakan, at masasamang loob habang sila ay nagtatrabaho. Bigyan mo po sila ng lakas ng katawan, alertong isip, at sapat na pasensya sa gitna ng trapiko at pabago-bagong panahon. Pagpalain mo pa po nang husto ang kanilang kabuhayan. Nawa'y lahat ng kanilang susunod na customer ay maging mabait, maunawain, at magbigay din ng biyaya sa kanila. Patnubayan mo ang kanilang bawat biyahe upang sa pagtatapos ng araw ay makauwi sila nang ligtas at may masayang ngiti sa kanilang pamilya. Amen.