01/03/2026
Meron talagang tao na hindi kayo click sa isa’t-isa
Kahit wala kayong ginagawa sa isa’t-isa, sadyang hindi magkasundo ang mga energy nyo
Bihira lang akong maka encounter ng ganito pero meron
Ang kadalasan na nae-encounter ko ay hindi matiis ng iba yung energy ko pero yung energy nila wala lang sakin… so ang kinakalabasan, ayaw nila ako pero hindi ko sila ayaw
Kahit ano pa man, ang best way dito ay wag nalang makipag interact sa mga taong yun. Wag na ipilit.
At lalong wag aksyonan. Kasi minsan sobrang hindi kayo magka vibes, gusto mo syang sap**in eh. Pero swabe yun..
Ang mas swabe ay iwasan nyo nalang ang isa’t-isa
Parang sa lyrics ni 50 cent..
“I don't like you, you don't like me
It's not likely
That we'll ever be friends
Why pretend?”
☝🏽 Alamin mo kung sino ang mga ito and do not work with them
Masyadong maraming tao sa mundo