07/02/2026
Ramdam mong hindi ka mahal, pero ayaw kang bitawan? Ganito kasi ’yan, ayaw ka pakawalan—kasi may napapala pa sila sa’yo.
Hindi dahil mahalaga ka, kundi dahil convenient ka.
Andiyan ka kapag may problema sila.
Ikaw ang takbuhan kapag pagod sila, kapag may kailangan, kapag may kulang sa buhay nila. Pero kapag ikaw na ang humihingi ng lambing, oras, respeto—wala na sila.
Ayaw ka nilang bitawan hindi dahil mahal ka,
kundi dahil takot silang mawalan ng sasalo sa kanila.
Takot silang mag-isa.
Takot silang magsimula ulit.
Takot silang maramdaman ang kawalan—
kaya ikaw ang pinanghahawakan, kahit hindi ka na pinapahalagahan.
Minsan sasabihin nila, “Mahal kita”
pero ang kilos, malamig.
Ang effort, wala.
Ang respeto, paunti-unti nang nawawala.
At ikaw?
Umaasa pa rin.
Kumakapit pa rin.
Kasi iniisip mo, baka bukas magbago, baka pag nagtiis pa ako, baka pag mas umunawa pa ako.
Pero pakinggan mo ’to:
Ang taong totoong nagmamahal, hindi ka ipaparamdam na option ka lang.
Hindi ka ipagdadamot sa kalayaan mo, pero ipaparamdam niya na gusto ka niyang piliin—araw-araw.
Kung ramdam mong hindi ka mahal,
pero hawak ka pa rin—
tanungin mo sarili mo:
Pagmamahal ba ’yan, o takot lang silang mawalan ng pakinabang?
Minsan, ang pinakamasakit na katotohanan ay ito: Mas mahal mo sila, kaysa sa mahal nila sa’yo. At minsan, ang pinaka-matapang na desisyon… ay ang bumitaw, kahit mahal mo pa.