17/01/2020
STO. NINO DE TUNDO
VIVA!!!
Mahal na Poong Santo Nino de Tondo,
Tanda ka ng walang-maliw na pag-ibig ng Diyos Ama.
Sa iyong pagkakatawang-tao,
Inihayag mo ang ikaw ay ibig makiisa sa amin:
Sa aming ligaya at lumbay;
Sa aming tuwa at hapis;
Sa aming mga tag-init at mga tag-ulan;
Sa aming mga karanasan ng liwanag at kadiliman.
Kami, ngayon, ay dumudulog sa iyo
Upang upaabot ang mga kahilingang ito:
. . tatahimik ng ilang sandali at ipahayag ang kahilingan . . .
Kahit Diyos, ikaw ay pumasok sa aming kasaysayan
Upang kami ay pakabanalin at-ibig,
Higit na maging kalugud-lugod sa Diyos Ama.
Kaya, nawa, ipagkaloob mo sa amin
Ang aming mga ipinaabot sa iyo –
Upang kami ay patuloy na magpuri,
Magbigay-dangal at maglingkod sa Kanya,
At, katulad mo, matupad ang kanyang kalooban
Sa aming pang-araw-araw na buhay.
Ipagkaloob mo rin na ang aming mga puso at diwa,
Kahit sa paglipas ng panahon,
Ay manatiling “bata” upang buong sigla,
Buong pag-ibig, buong pag-asa ka naming masundan.
Mahal na Santo Nino de Tondo,
Ipanagkatiwala rin po naming ang aming mga Kabataan sa iyo.
Sila nawa'y Lumaki na nakikilala ka, at iniibig ka
Sila'y nawa'y, katulad mo, handang tumahak sa daan ng Krus
Para sa ikaluluwalhati ng Ama
at higit na Ikabubuti ng aming bayan
Hinihiling namin ito sa iyong kabanal-banalang Pangalan
Kasama ng Espirito Santo, Magpasawalang-Hanggan
Amen.
Bossian family!