Jummanah and alsal

Jummanah and alsal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jummanah and alsal, Women's clothes shop, Port area manila, Manila.

17/10/2025

Diko alam ano tong kinakanta niya

Lolong basurero, ninakaw ang maliit na kita pero nagawa paring itulong ang natirang P5-barya!Hindi man lahat nabiyayaan ...
17/10/2025

Lolong basurero, ninakaw ang maliit na kita pero nagawa paring itulong ang natirang P5-barya!
Hindi man lahat nabiyayaan ng magandang buhay at hindi rin lahat pinalad magkaroon ng marangyang klase ng paghanapbuhay ngunit kahit gaano pa man kabigat at hirap ang dinaranas ng karamihan sa pang araw-araw na pakikipagbuno sa hamon ng buhay, lahat bumabangon, lahat kumikilos, lahat bitbit ang tapang at pag-asa para sa pamilya at mga anak.
Tulad nalang ng hindi paghinto sa pagbabanat ng buto magpa hanggang sa kanyang katandaan na si Lolo Jowie, 70-taong gulang na tanging sa pamamasura at pangangalakal lamang umaasa ng kahit kaunting kita para may maiuuwing pangkain at ulam sa pamilya.
Isa sa pinakamabiyayang araw kung maituturing ng matanda ang pagkakataong nararamdaman niyang hindi siya kailanman pinababayaan ng Maykapal nang biglang ibinalik sa kanya ng doble doble ang malaking pabor mula sa kanyang taos pusong pagtulong sa isang Good Samaritan na si Shewin Lim, na nagpanggap humingi sa kanya ng pang-Gas.

Nadaanan ng kilalang mabuting negosyante na si Lim si Lolo Jowie sa lansangan dala-dala ang mga naipong mapapakinabangan at maibebentang mga basura at kalakal. Dito niya nasubok kung gaano kalaki ang puso ng matanda nang hindi ito nagdalawang isip tumulong at ibigay ang lahat ng natitirang barya nito para iabot sa kanya.
Naantig si Lim sa kabutihan ng matanda, na mas piniling itulong ang natirang barya sa bulsa kahit pa mahirap niyang kitain ang mga ito. Barya-barya man ngunit malaking halaga para sa kanila bawat piso.
"Minsan kasi may mga nagbibigay din naman sa akin," mahinang sagot ni Lolo Jowie
"So kung ikaw binibigyan ka ng iba, so ikaw din nagbibigay. Domino effect no, ang galing ng Panginoon,".
Kumikita ang matanda sa kanyang maghapong pamamasura ng P150-P200 kada-araw. At minsan may mga nag aabot rin ng tulong sa kanya. Ngunit kahit paman sa liit ng kanyang kinikita sa maghapong pagpapagod ay minsan nabiktima rin siya ng mga magnanakaw.
"Kagabi natulog a

LOBONG BENEBENTA NI NANAY AKSIDENTE NYANG NABITAWAN. "NILIPAD 'YUNG MGA LOBO 😢"“Bayaran pa naman ng bahay. Maiiyak-iyak ...
17/10/2025

LOBONG BENEBENTA NI NANAY AKSIDENTE NYANG NABITAWAN. "NILIPAD 'YUNG MGA LOBO 😢"
“Bayaran pa naman ng bahay. Maiiyak-iyak na ako talaga, pero nilalakasan ko lang ‘yung loob ko,”
Ayon sa ibinahagi na mga larawan ni Filipina Maloto ay may nakita siyang maraing lobo na lumilipad sa himpapawid.
Hinahanap niya si “Nanay,” ang tindera na madalas makita sa tapat ng simbahan sa Concepcion, Marikina. Binili niya ang ilan sa natitirang lobo ni Nanay at nagbayad ng ₱1,000 bilang tulong.
Ikinuwento ni Nanay na aksidente niyang nabitawan ang mga lobo habang tinutulungan ang isang customer.
“Bayaran pa naman ng bahay. Maiiyak-iyak na ako talaga, pero nilalakasan ko lang ‘yung loob ko,” ani Nanay.
“Ang sabi ko po, sa kaniya na ‘yung sukli. Tapos ayun, sobrang saya ni Nanay, napaiyak na kami parehas kasi ‘di siya makapaniwala,” kuwento pa ng uploader.
Samantala, maraming naantig sa kwento at nagpadala ng donasyon—pera at grocery—para kay Nanay.
📷: malotofilipina5/TikTok

NAULILANG 10-ANYOS, MAG-ISANG NAGSISIKAP MABUHAY SA PILING NG KALIKASANIsang batang lalaki, sampung taong gulang pa lama...
17/10/2025

NAULILANG 10-ANYOS, MAG-ISANG NAGSISIKAP MABUHAY SA PILING NG KALIKASAN
Isang batang lalaki, sampung taong gulang pa lamang, ang hinahangaan ngayon ng marami matapos mapabalita ang kanyang kwento ng pagtitiis, pagsisikap, at tahimik na katatagan. Sa murang edad, siya ay namumuhay mag-isa sa gitna ng bukid, umaasa lamang sa sarili at sa mga gulay na itinatanim niya araw-araw.
Nang pumanaw ang kanyang mahal na lola at tatay—ang tanging mga taong kasama niya sa buhay—hindi siya pinanghinaan ng loob. Sa halip na sumuko, tinanggap niya ang hamon ng pagiging ganap na mag-isa sa mundong tila hindi laging patas sa mga bata.
Walang masisilungan na teknolohiya o luho, walang kasamang magluluto o maghuhugas para sa kanya—lahat ng ito, natutunan niyang gawin mag-isa. Araw-araw, bumabangon siya nang maaga, nagtatanim at nag-aalaga ng kanyang munting taniman ng gulay para may makain sa susunod na araw. Kung minsan, ito rin ang pinagkukunan niya ng kaunting pera—sa pamamagitan ng pagtitinda ng ilan sa mga ito sa mga kapitbahay.
Hindi siya palaging may sapat. Hindi rin siya palaging ligtas o kampante. Ngunit ang kanyang puso ay punô ng lakas at pangarap, at ang kanyang simpleng buhay ay repleksyon ng isang tunay na bayani—tahimik, matatag, at marunong lumaban.
Hindi natin alam kung gaano kahirap ang araw-araw para sa isang bata na walang ina, ama, o lola sa tabi. Pero sa halip na umasa o umiyak sa sulok, pinipili niyang mabuhay, kumilos, at magtiwala sa sarili.
Isang malaking paalala sa ating lahat: Ang tunay na katapangan ay hindi lamang makikita sa malalaking tagumpay. Minsan, nasa isang maliit na kubo lang ito, sa gitna ng palayan, kung saan may isang batang marunong lumaban para sa bukas.
Sana, mas marami pa ang tumulong, magmalasakit, at makakita sa kanya—hindi bilang kaawa-awang bata, kundi bilang huwaran ng pag-asa.

Ang batang ito ay galing sa paaralan. Bali wala sa kanya ang kapaguran sa layo ng lalakbayin pauwi sa bahay nila, Ito an...
17/10/2025

Ang batang ito ay galing sa paaralan. Bali wala sa kanya ang kapaguran sa layo ng lalakbayin pauwi sa bahay nila, Ito ang matinde ,Nakuha pa nyang mag uwi ng kahoy na panggatong nila,!!! Ohhhh'! Dibaahhh,"!!! Saludo ako sayo Kid," Sana'y mapansin ka ng madlang PIPOL,"!!!
KUNG PROUD KA SA BATANG ITO"SHARE MOH!!!

Isang Lola ang Patuloy na Nagtitinda ng Mais Maulan man o Maaraw!Kilalanin si Lola Esteng 85 years old. Araw-araw syang ...
17/10/2025

Isang Lola ang Patuloy na Nagtitinda ng Mais Maulan man o Maaraw!
Kilalanin si Lola Esteng 85 years old. Araw-araw syang naglalako ng mais kahit tirik man ang araw o kahit maulan ang panahon. Dala nya ang kanyang kariton na may gulong ng bisekleta, at dito nakalagay ang paninda nyang mais.
Ayon sa ating sender, laging dumadaan si Lola Esteng sa kanilang lugar at sa dala ng awa, bumibili sya ng mais basta makita nya ang matanda. Naitanong nya kay Lola kung bakit naglalako pa sya ng mais, na imbes nagpapahinga na lang sa bahay? Ang sagot ni Lola ay kailangan nyang gawin ito dahil may pinag-aaral pa syang apo na iniwan sa kanya ng kanyang anak. Naisin man nyang magpahinga subalit isa itong pangarap na tingin ni Lola Esteng ay suntok sa buwan.
Nagsisimula syang mag tinda ng 7am at nakakauwi na ng bandang 4pm, laging sinisugurado ni Lola Esteng na mauubos ang paninda nyang mais. Kumikita sya ng 300 pesos to 350 pesos kada araw, sapat na daw ito upang makaraos sa isang araw.

78-year-old lalaki, mag-isang namumuhay sa pagbebenta ng lugaw, kumikita lamang ng P31 kada araw!Mag-isang namumuhay ang...
17/10/2025

78-year-old lalaki, mag-isang namumuhay sa pagbebenta ng lugaw, kumikita lamang ng P31 kada araw!
Mag-isang namumuhay ang 78-year-old na lalaki sa barong-barong na gawa sa kawayan at tarpaulin habang nagbebenta ng lugaw at madalas kumikita lamang ng P31 pesos kada araw.

Ang matanda ay mag-isang namumuhay matapos mawala ang kanyang asawa at dalawang anak ilang taon na ang nakalipas.
Sa edad na 78, dapat ay hindi na siya naghahanap buhay at nagpapahinga na lamang, ngunit dahil sa kahirapan ng buhay, kailangan niyang kumita sa pang araw-araw.
Araw-araw ay nagluluto ang matanda ng lugaw at ibinebenta sa isang maliit na stall malapit sa kanyang barong-barong.
Sa kasamaang palad, madalas hindi nalagpas ng limang bowl lamang ang kanyang naibebenta sa araw-araw. Marahil dahil plain lamang ang kanyang lugaw at hindi umano kaaya-aya ang pwesto ng kanyang tindahan.
Kapag wala talagang bumibili, nilalako nya ito gamit ang kanyang sira sirang kariton upang mapaubos at makabili ng kanyang maintenance na gamot. Maswerte na ang makaubos sya sa isang araw. Ang mga tirang lugaw naman ay madalas na ito na rin ang kayang kinakain para hindi na gumastos pa.

Panawagan lang nya ay sana may makatulong sa kanya sa kanyang gamot na iniinom araw araw para humaba pa ang kanyang buhay.

17/10/2025
86-anyos na Lolo, binawian ng buhay habang nag-aararo dahil sa sobrang pagod!Kayod kalabaw parin hanggang sa huling hini...
17/10/2025

86-anyos na Lolo, binawian ng buhay habang nag-aararo dahil sa sobrang pagod!
Kayod kalabaw parin hanggang sa huling hininga!
Marami sa mga matatanda ang ayaw nilang makadagdag pasanin pa sa mga anak at iisipin ng pamilya, kaya ang iba kahit lahat sa kanila ay marupok na, hirap ng makakilos, makadinig at makakita dahil sa sobrang katandaan, ay mas pinipili paring magbanat ng buto upang mabuhay dahil dito sila nasanay.

Kinahahabagan ngayon ang sinapit ng isang matanda mula Kalubian, Santo Rosario, Tukuran, Zamboanga del Sur na binawian ng buhay sa gitna ng kanyang inaarong lupa.
Sa post ng apo na si Jessel Pameron, inabutan ng huling hininga ang kanyang Lolo na si Hilario Turno, 86-anyos habang nag-aararo ito sa tinatrabahong bukid, katabi nito ang kanyang alaga at kaagapay na kalabaw.
Mag-isa nalang si Lolo Hilario sa kanyang munting kubo, matapos nauna ng pumanaw ang kanyang asawa ilang buwan palang ang nakalilipas, at halos araw-araw niya itong dinadalaw sa kanyang puntod.
May kanya-kanya naring mga pamilya ang mga anak nito kaya't halos mag-isa nalang din at ayaw naman din umano iwanan at umalis ng matanda sa kanyang bahay.
Ikinalulungkot ng pamilya ang pagkawala ng matanda dahil namatay ito habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabho sa palayan. Tanging kasama lang nito ang kalabaw at a*o.
"Namatay si Lolo sa gitna ng kanyang inaararong bukid katabi ng kalabaw at ang ginagamit nitong pang-araro. Hindi talaga siya iniwanan ng kanyang kalabaw,"
Kahit sa sobrang katandaan na, hindi parin natapos sa napakabigat na gawain ang matanda at pilit na kumikilos parin sa buhay.
"Nakakaawa ka naman Lo, bakit mo pa pinilit kung di na kaya ng katawan mo ang trabaho. Ano tuloy nangyari sayo."
Sa ibinahaging larawan ni Jessel, basang-basa sa ulan ang wala ng buhay na matanda sa ibabaw ng lupang inaararo nito.
"Nabasa kapa ng ulan at ng tubig sa palayan mo, Lo. Bumangon ka jan mag bonding2 pa tayo. Lo, bakit diyan ka pa binawian. 😥😔🥺,"

Inaalala din nito ang pinangako sa ka

Address

Port Area Manila
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jummanah and alsal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share