03/12/2025
LOOK: Iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ na nakatanggap ang iba’t ibang distrito ng BARMM ng malalaking pondo mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng allocables mula 2023-2025 at non allocables para naman sa taong 2025.
Ang allocables ang scheme na tinuturing na bagong anyo ng pork barrel ayon sa PCIJ kahit na ipinawalang-bisa ang lumang pork barrel system o Priority Development Assistance Fund o PDAF noong 2013, pero nananatiling may mekanismo para sa discretionary allocation ng pondo sa mga distrito.
Ang “allocable fund” ay isang pondo mula sa pambansang budget na ilalaan sa mga distrito ng kongresista.
Habang ang non-allocables ayon sa PCIJ ay ang bahagi ng budget ng DPWH na sinasabing nakalaan para sa mga core projects, big-ticket programs, national highways, foreign-assisted projects, at iba pang malalaking proyekto.