17/10/2024
SA ILALIM NG PUTING ILAW, SA DILAW NA BUWAN 🌕
Mamayang gabi na masasaksihan ang pambihirang astronomical phenomenon na supermoon!
Ito ay nangyayari kapag ang kabilugan ng buwan ay halos sabay sa perigee.
Sa panahon ng supermoon, ang buwan ay maaaring lumitaw na hanggang 7% na mas malaki at 15% na mas maliwanag kaysa sa karaniwang kabilugan ng buwan.
Kaya ihanda na ang inyong mga camera para masaksihan ang inaasahang nighttime spectacle!