05/08/2023
[𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗔𝗻𝗻𝗼𝘂𝗻𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁-𝗘𝗔𝗕𝟰-𝟬𝟴𝟬𝟱𝟮𝟬𝟮𝟯𝗔]
Batch 4, BASAHIN po maigi 🙏
Kumusta po kayo? First of all, congratulations sa 1,000 applicants na napili sa Online Pre-Application for EA Batch 4! Sasagutin ko po today ang ilan sa FAQs na natatanggap po namin dito sa Facebook, Instagram, Threads at Tiktok. Kaya please, 𝗯𝗮𝘀𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶!
❓𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀 𝗽𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗻𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗴𝘄. 𝗔𝗿𝗲𝗻𝗮𝘀?
Nako, BAWAL 'YAN! Never po tayo nagpo-post ng fake news sa kahit anong social media accounts natin. Kaya sa mga nagduda kung totoo ang mga post natin, sige kayo rin.
❓𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗔 𝗕𝗮𝘁𝗰𝗵 𝟰?
Para po ito sa mga INCOMING Second Year College students (SY 2023-2024) ng Third District of Pangasinan.
❓𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗻𝗿𝗼𝗹𝗹𝗲𝗱 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹/ 𝘂𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽?
Yes. Kabilang sa mga ipapasang requirements ay ang Certificate of Enrollment Billing and Assessment Form.
❓𝗔𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗻𝗮 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗶𝘀𝘁?
Hindi pa po. Lahat ng nasa official list na ipopost dito sa aking Page ay dadaan pa sa Validation/ Assessment ng DSWD. Kapag pasok ka sa lahat ng criteria at kumpleto ang iyong requirements, saka pa lang masasabing isa ka ng iskolar ng ating programa.
❓𝗠𝗮𝘆 𝘄𝗮𝗹𝗸-𝗶𝗻 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗮𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻?
Tinanggal na po natin ang walk-in scholarship application last 2 years ago. Ginawa po natin ito sa gitna ng pandemic dahil sa kagustuhan natin mas maging safe ang bata mag-aaral at kanilang mga magulang noon habang patuloy na nagbibigay ng serbisyo publiko.
Ngayon naman na nasa New Normal na tayo, nakita po namin na mas efficient, effective at nakakasunod na tayo sa technological developments. Kasama po sa ating plano sa Third District na magkaroon ng interconnected technological ecosystem kung saan mas magiging mabilis at madali na ang pagkuha ng serbisyo mula sa inyong gobyerno.
❓𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗱𝗮𝗹𝗵𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗜𝗗?
Kung wala pang issued School ID ang inyong university, maaari po kayo mag-request ng Certificate of No ID mula sa inyong registrar o kaya dalhin ang Certificate of Enrollment. Make sure na may seal at pirmado ito. KUNG ayaw naman nila magbigay, pwede po ang voter's certificate, NBI at PNP clearance basta HINDI EXPIRED.
❓𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻?
Yes, ikaw nga.
❓𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗺𝗮𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗚𝗼𝗼𝗴𝗹𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗺 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗺𝗮𝗴-𝘀𝘂𝗯𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻?
Resibo. Ang matatanggap niyo po sa inyong email address after accomplishing the application form ay ang copy of your response. Hindi po nangangahulugang automatic ng pasok sa scholarship program kapag nakatanggap ng email.
❓𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗲𝗺𝗮𝗶𝗹 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗹𝗶𝘀𝘁?
Kindly check your spam messages. If wala pa rin, no worries. Dalhin na lamang lahat ang requirements na kailangan ipasa sa Validation/ Assessment Day.
❓𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀?
TBA ang Date, Time at Venue. PERO MALAPIT NA! Kaya asikasuhin na ang requirements!
❓𝗠𝗮𝘆 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗽𝗼 𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘆𝗲𝗮𝗿 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹𝘀?
mayroon po! Sa katunayan, nakadalawang batch na po tayo ngayong taon na ang priority ay mga GRADUATING college students.
Make sure naka FOLLOW ka sa lahat ng social media accounts ko para hindi ka mahuli sa announcements at updates. MAMAYA post ko na 'yung official list! ❤