08/02/2026
3 signs na malulugi ang negosyo mo.
May mga senyales
bago tuluyang malugi ang negosyo.
Hindi biglaan.
Unti-unti.
Sign #1:
Hindi steady ang buyers.
May benta minsan.
Minsan wala.
Laging tanong mo:
โSan manggagaling yung susunod na customer?โ
Nangyayari to kapag
wala kang advertising.
Umaasa ka lang sa tsamba,
referrals, o walk-ins.
Solusyon:
Kailangan mo ng paid advertising.
Hindi para yumaman agad,
kundi para magkaroon ka ng
predictable na buyers.
Kapag may ads ka,
hindi ka na naghuhula
kung may papasok bukas.
Sign #2:
Presyo lang ang laban mo.
Kapag tinanong ka kung bakit ikaw,
ang sagot mo lang:
โMas mura kasi kami.โ
Dito nagsisimula ang price war.
Pababaan ng presyo.
Paubusan ng lakas.
Solusyon:
Kailangan mo ng USP,
Unique Selling Proposition.
Yung malinaw na dahilan
kung bakit ikaw ang pipiliin
kahit hindi ikaw ang pinakamura.
Kapag malinaw ang USP mo,
pwede ka nang mag-price increase
nang hindi nawawala ang customers.
Sign #3:
Busy ka, pero maliit ang profit.
Andaming orders.
Andaming ginagawa.
Pero pag binilang mo,
parang pagod lang ang naiipon.
Nangyayari to kapag
mababa ang presyo
at mali ang marketing.
Solusyon:
Ayusin ang pricing
at mag-market aggressively
para mas malaki ang naiiwang profit
kesa sa gastos.
Hindi lahat ng busy na negosyo,
kumikita.
Kapag pinagsama-sama ang tatlong to,
talagang mapapagod ka.
Pero kapag inayos mo rin
ang tatlong solusyon,
dito nagsisimulang gumaan ang negosyo.
Ang tanong lang ngayon:
alin dito ang pinaka-tumatama sayo?
Kung gusto mong maintindihan
kung paano inaayos ng iba
yung ads, value, at profit nila,
usap tayo.