Alyansa ng Responsableng Alagad ng Wika

Alyansa ng Responsableng Alagad ng Wika Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alyansa ng Responsableng Alagad ng Wika, Pililla.

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng Filipino Club Officers Batch 2025 na buong puso at walang sawa...
02/09/2025

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng Filipino Club Officers Batch 2025 na buong puso at walang sawang naging katuwang sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Sa bawat oras, pawis, at malasakit na inyong ibinahagi ay naging buhay ang mga programa at naging makulay ang ating pagdiriwang. Hindi lamang ninyo pinanday ang mga gawain, kundi pinatibay rin ninyo ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika.

Nawa’y manatiling gabay ang inyong sipag at dedikasyon upang patuloy nating maisulong ang ating adhikain, ang pagpapalago at pagtatanghal ng ating kulturang Filipino.

Mula sa aming puso, maraming salamat sa inyo. Mabuhay ang ating wika, kultura, at ang bawat pusong nagmamahal dito!

President: Lyka Mae De Vera
Vice President: Lian Carl Laurel
Secretary: Lianne Jasmine Passion
Treasurer: Elizabeth Precilla
Auditor: Carla Capili
Project Manager: Eaji Dela Cruz
PIO: Jeremy Jacob
Muse: Unice Sangalang
Es**rt: Armando Abulencia
Representative:
G7: Kien De Castro
G8: Camille Alexa
G11: Jencel Endon
G12: Gian Cuenca

Tingnan:Binigyang-pagkilala ang kahusayan ng mga mag-aaral na nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng isinagawang kompetisyo...
02/09/2025

Tingnan:
Binigyang-pagkilala ang kahusayan ng mga mag-aaral na nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng isinagawang kompetisyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025. Ang nasabing gawain ay naglalayong linangin ang kasanayan, talino, at malikhaing kakayahan ng mga kabataan, gayundin ang pagpapatibay ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating kultura.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Senior High School ang kanilang husay at pagka...
29/08/2025

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Senior High School ang kanilang husay at pagkakaisa sa isinagawang Sabayang Pagbigkas ng akdang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio.

Layunin ng aktibidad na muling buhayin ang diwa ng makabayang panitikan at itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang daluyan ng ating kasaysayan, kultura, at identidad bilang mga Pilipino.

Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang pagtatanghal ng sining, kundi isang paalala ng panata sa bayan na ang bawat salita ay may tinig, at ang tinig ay nagbubuklod tungo sa kalayaan at pagkakaisa.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!

Tingnan:Pinarangalan ang mga piling mag-aaral na nagpamalas ng Natatanging Kasuotan bilang tampok na bahagi ng pagdiriwa...
19/08/2025

Tingnan:
Pinarangalan ang mga piling mag-aaral na nagpamalas ng Natatanging Kasuotan bilang tampok na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, na may temang ‘Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.’

Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipamamalas ang pagpapahalaga sa ating wika at kultura bilang sagisag ng pagkakakilanlan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Mga Ginoo:
Ikalimang Gantimpala- Prince Lhenrick Delos Santos
Ikaapat na Gantimpala- Vince Cedrick Herrera
Ikatlong Gantimpala- John Oli Mendoza
Ikalawang Gantimpala- Paul Chandler Hernandez
Unang Gantimpala- Justine Maunahan

Mga Binibini:
Ikalimang Gantimpala- Coleen Acompaniado
Ikaapat na Gantimpala- Marie Franz Mendoza
Ikatlong Gantimpala- Rhianna Cassandra Abanto
Ikalawang Gantimpala- Eriana Briane Salgatar
Unang Gantimpala- Cadence Adrianne Delos Santos

📸 Ma'am Candy Hapin - Elizan
📝Ma'am Lovely Tambis

“Sa bawat sinulid ng katutubong kasuotan, hinabi ang kwento ng ating lahi. May dangal, may diwa, at may pagmamalasakit s...
04/08/2025

“Sa bawat sinulid ng katutubong kasuotan, hinabi ang kwento ng ating lahi. May dangal, may diwa, at may pagmamalasakit sa bayan. Ang pagsusuot nito ay hindi lamang pagpapakita ng ganda ng kultura, kundi isang makabuluhang paggunita sa ating pinagmulan.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa," nakiisa ang mga g**o at mag-aaral ng Bagumbong National High School sa pagsusuot ng katutubong kasuotan ngayong ika-4 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na ipagdiwang ang yaman ng ating wika at kultura, at itanghal ang pagkakaisang Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating pinagmulan. 🇵🇭

📣 PATALASTAS: Mga Aktibidad para sa Buwan ng Wika 2025Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa P...
01/08/2025

📣 PATALASTAS:

Mga Aktibidad para sa Buwan ng Wika 2025
Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, narito ang mga nakalinyang gawain na layuning pagyamanin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at mga katutubong wika bilang sandigan ng ating kasaysayan at pagkakaisa bilang isang bayan.
Ang nasabing mga aktibidad ay pangungunahan ng inyong g**o sa Filipino.

Tayo na’t makiiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!

Matagumpay na isinagawa ang paligsahan sa paggawa ng Islogan at Poster bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ...
01/08/2025

Matagumpay na isinagawa ang paligsahan sa paggawa ng Islogan at Poster bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain at pagmamahal sa wikang Filipino at mga katutubong wika sa pamamagitan ng makabuluhang mga likha.

Tingnan: Masigasig na nagpulong ang Kagawaran ng Filipino noong Hulyo 29, 2025 para talakayin ang mga aktibidad kaugnay ...
31/07/2025

Tingnan: Masigasig na nagpulong ang Kagawaran ng Filipino noong Hulyo 29, 2025 para talakayin ang mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.

"Maligayang pagdating sa Buwan ng Wika 2025! Sama-sama nating ipagdiwang ang yaman ng wikang Filipino—ugat ng ating pagk...
31/07/2025

"Maligayang pagdating sa Buwan ng Wika 2025! Sama-sama nating ipagdiwang ang yaman ng wikang Filipino—ugat ng ating pagkakakilanlan at pagkakaisa!"


Bagumbong NHS | Filipino Department

Matutupad ang mga hiling mo, HÁRINAWÂ!ctto: Komisyon ng Wikang Filipino
31/07/2025

Matutupad ang mga hiling mo, HÁRINAWÂ!

ctto: Komisyon ng Wikang Filipino

31/07/2025

Address

Pililla

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alyansa ng Responsableng Alagad ng Wika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share