13/04/2024
Nagbukas ng tindahan ang lalaking ito. Napakabait nya. Pinapautang nya ng paninda nya ang mga kaibigan, kamag-anak, at mga kapitbahay nya na walang pambili. Pagdating ng ilang taon, wala ng laman ang kanyang tindahan.
Minsan, sa sobrang bait natin, sige tayo ng sige sa mga taong nangangailangan. Sige tayo ng sige dahil ayaw nating may magtampo o magalit sa atin.
Pero ang hindi natin alam, sa kaka SIGE natin, naibigay na pala natin ang lahat lahat sa atin. Wala na tayong tinitira sa sarili natin.
Ang masaklap, sa lahat ng mga natulungan natin, wala man lang tumulong sa atin pabalik kapag tayo naman ang nangangailangan.
Hindi masama ang tumulong, pero minsan, kailangan din nating magtira para sa sarili natin.
At para sa mga taong tanggap ng tanggap ng binibigay ng kapwa, matuto naman po tayong sumukli.
ctto