02/06/2026
Wag na wag niyong palalagpasin ang movie na to ngayon June 17!!
Hindi lang dahil maganda ang istorya nito.
More than a movie, this is a trip back to our childhood. Habang pinapanood ko ito kagabi, hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong sabay tayong lumaki kasama ang pamilya Cosme. Mula sa mga simpleng tawanan sa harap ng telebisyon hanggang sa mga panahong wala tayong ibang iniisip kundi maglaro at maging masaya. May mga alaala pa nga noon na kapag wala kayong telebisyon sa bahay, makikinood kayo sa kapitbahay. Minsan papapasukin ka, minsan naman pagsasarhan ka ng pinto. 😅
Pero kahit ganun, hahanap at hahanap pa rin ng paraan para mapanood lang ang susunod na eksena ng paborito nating pamilya sa telebisyon.
May kakaibang kurot itong dala. Hindi lang dahil sa kwento, kundi dahil ipapaalala nito sa atin kung gaano na tayo kalayo sa ating narating. Habang tumatanda sina aling Azon at ang magkakapatid na Cosme sa ating mga mata, tayo rin pala ay tumatanda kasama nila. At sa bawat eksena, mapapalingon ka sa nakaraan na may ngiti sa labi at luha sa mga mata.
Isa itong kwento at palabas na akala natin ay tapos na. Akala natin wala nang kasunod. Akala natin isa na lamang itong magandang alaala ng ating kabataan. Pero heto sila, nagbabalik upang ipaalala sa atin ang kahalagahan ng pamilya, pagmamahal, at mga alaalang humubog sa atin bilang tao.
Honest reaction?
Iyak. Tawa. Gulat. Nostalgia.
Lahat ng emosyon mararamdaman mo rito.
At higit sa lahat, mapapaalala sa iyo kung gaano kaganda ang maging bahagi ng isang henerasyong lumaki kasama ang Home Along Da Riles. 🥹🚂
Congratulations to the entire cast and crew of Home Along Da Riles: Da Reunion. Home Along Da Reels
Maraming salamat sa pagbabalik ng isang piraso ng ating kabataan! 🚂🎬