Gospel On Fabric

Gospel On Fabric Connect to the Original Source 🔥

" G O O D B Y E     O ' S O U R C E "As we commemorate the death of our Lord Jesus Christ 2000+ years ago, aming inaanun...
03/04/2026

" G O O D B Y E O ' S O U R C E "

As we commemorate the death of our Lord Jesus Christ 2000+ years ago, aming inaanunsyo sa lahat na ngayong araw na ito din mag wa-wakas ang clothing brand na "Original Source".

Apat na taon na rin mula noong huling beses na magrelease kami ng damit at mula noon, napakaraming nangyari. Napakaraming nagtatanong, napakaraming nangungumusta, at napakaraming pa ring naghahanap. At napili namin ang araw na ito para sabihin sa inyong lahat kung ano talaga ang tunay na mga nangyari.

Ang Original Source o pinaikling "O'source" ay nabuo dahil sa exposure namin sa lansangan, ang pinakagusto naming ipakita sa lahat na iba ang pagkakaroon ng "streetsmart" at maaari kang magtagumpay gamit lamang ang diskarte sa kalye.

Noong 2020, sinimulan namin sa temang "Street Pharmacy" kung saan ang main character ng istorya ay ipinapapakita na sa kalye ay pwede kang maging "hustlin", magbenta ng kung ano at gumamit ng maraming koneksyon. Hindi namin inexpect ang naging pagtanggap sa brand namin, hindi namin akalaing papatok, masosold-out. Sa katunayan, marami pa ring naghahanap sa edition na ito hanggang ngayon. Nagrelease kami ng pangalawang beses noong 2022, ito ang "Love and Patience" kung saan ang main character ay nakatagpo ng katuwang niya sa buhay, isang babaeng tutulong at susuporta sa kanya sa streets. PATOK, SOLD-OUT. Pero after that release, bigla nalang naging inactive, walang balita, walang paramdam.

Inuunahan ko na kayo, alam kong sasabihin ng karamihan na corny itong lahat at boring. Pero ito ang totoong nangyari, ang main character sa clothing line na ito (O'source) ay nakakilala sa Panginoon Hesus. At dahil sa kanyang "personal encounter" kay Jesus Christ, marami syang naging realization regarding sa mga naging desisyon niya sa buhay. Mas naunawaan niya na kung ano talaga ang purpose nya sa mundong ito at dahil dito, nais niyang magbago ng direksyon.

Marahil ito ay pagsasara ng isang naunang kabanata, pero ito rin ay pagbubukas ng isang panibago. Excited na kami sa bagong chapter na susubukan naming buksan.

STAY TUNE...

14/03/2022

We are sold out now!! Thankyou guys! Thankyou God ❤️

‼️‼️ Something is coming ‼️‼️

Address

Quezon City
1126

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gospel On Fabric posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Gospel On Fabric:

Share