Ardour by Fer Mark

Ardour by Fer Mark Ardour is a british english word which means great passion, great love and great enthusiasm.
(1)

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐——๐—”๐——Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ...
07/08/2026

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐——๐—”๐——

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ganda ng iyong nilikha, kaisa na rin kami, sa iyong kabutihan, sa pagkakaloob ng aming mga pangangailangan, at sa iyong karunungan na gumagabay sa landas ng buhay.

Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa iyo at buong sangnilikha. Hindi kami naging mabuting tagapangasiwa ng Kalikasan. Hindi kami tumupad sa iyong atas na pangalagaan ang mundo.

Ang kalikasan ay dumaranas ng hirap dahil sa aming kapabayaan, at ngayon ay nagbunga ang aming pang-aabuso at kawalan ng malasakit.

Umiinit na ang mundo. May mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ang patuloy naming nararanasan.

Nagsusumamo kami sa iyo, Amang Mapagmahal, at pagkalooban kami ng kapatawaran sa aming mga sala.

Hinihiling namin na kami, sampu ng aming mga mahal sa buhay, at ng aming mga pinaghirapan ay malayo sa anumang banta ng kalamidad, maging likas man o kagagawan ng tao.

Nawa'y gisingin mo ang lahat na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng iyong nilikha, at maging mapagbigay sa mga nangangailangan.

Amen.

โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral
๐Ÿชก Ardour

Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, aming mapagmahal na Ina at tagapagtanggol, lumalapit kami sa iyon...
05/08/2026

Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, aming mapagmahal na Ina at tagapagtanggol, lumalapit kami sa iyong paanan nang may buong pagtitiwala at pagmamahal.

Salamat sa iyong walang sawang pag-akay at pagkalinga sa aming buhay. Ikaw na naging tanglaw ng mga naglalakbay at pag-asa ng mga dumudulog sa iyo, ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesukristo.

Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya ng tunay na kapayapaan, matatag na pananampalataya, at pusong laging handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Ingatan mo kami sa lahat ng aming paglalakbay sa daan, sa aming mga gawain, at sa paglalakbay ng aming buhay upang lagi kaming maging ligtas sa iyong mapagkalingang pag-aaruga.

Sa gitna ng aming mga pagsubok, tulungan mo kaming huwag mawalan ng pag-asa. Turuan mo kaming magmahal, magpatawad, at maglingkod nang may kababaang-loob, tulad ng iyong naging halimbawa.

O Mahal na Birhen ng Antipolo, ipanalangin mo kami ngayon at sa oras ng aming pangangailangan, upang sa aming paglalakbay dito sa lupa ay marating namin ang walang hanggang tahanan sa piling ng Diyos.

Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ipanalangin mo kami.

Amen.

โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral
๐Ÿชก Ardour

Sa ilalim ng Iyong patnubay, O Birhen ng Antipolo, Ikaw ang bituin na nagbibigay liwanag sa aming buhay.โ›ช๏ธ The Antipolo ...
02/08/2026

Sa ilalim ng Iyong patnubay, O Birhen ng Antipolo, Ikaw ang bituin na nagbibigay liwanag sa aming buhay.

โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral
๐Ÿชก Ardour

Sa Iyong Paglingap, Kapayapaan at Pag-asa ang aming natatagpuan.โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral ๐Ÿชก Ardour
01/08/2026

Sa Iyong Paglingap,
Kapayapaan at Pag-asa
ang aming natatagpuan.

โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral
๐Ÿชก Ardour

Nuestra Seรฑora dela Paz y Buen ViajeFirst Saturday DevotionAugust 1, 2026๐Ÿ’™ Kulay AsulAng kulay asul ay sumasagisag sa ka...
01/08/2026

Nuestra Seรฑora dela Paz y Buen Viaje

First Saturday Devotion
August 1, 2026

๐Ÿ’™ Kulay Asul
Ang kulay asul ay sumasagisag sa kalangitan, kapayapaan, katapatan, at pag-asa. Ito rin ang tradisyunal na kulay na iniuugnay sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit. Ipinahihiwatig nito ang kanyang mapagkalingang pag-aaruga at patuloy na paggabay sa bawat manlalakbay sa kanilang paglalakbay sa buhay at pananampalataya.

๐Ÿค Kulay Puti
Ang puti ay tanda ng kadalisayan, kabanalan, liwanag, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Inaalala nito ang malinis na puso ng Mahal na Birhen at ang kanyang ganap na pagsunod sa kalooban ng Panginoon. Isa rin itong paalala na ang tunay na kapayapaan ay nagmumula sa isang pusong nakatuon sa Diyos.

โœจ Kulay Ginto
Ang kulay ginto ay sumasagisag sa kaluwalhatian ng Diyos at sa karangalang ipinagkaloob sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa. Bilang kulay na kaugnay ng liwanag, kadakilaan, at kabanalan, ipinahahayag nito ang natatanging papel ng Mahal na Birhen sa kasaysayan ng kaligtasan bilang Ina ng Diyos at tapat na lingkod ng Panginoon.

๐ŸŒธ Mga Bulaklak
Ang mga bulaklak ay sumasagisag sa kagandahan ng kabanalan, pag-ibig, at mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen. Ang kanilang maririkit na kulay ay nagpapahayag ng kagalakan, pag-asa, at bagong buhay. Tulad ng mga bulaklak na namumukadkad, nawa'y mamulaklak din ang ating pananampalataya at debosyon sa ilalim ng mapagmahal na pag-aaruga ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

โ›ช๏ธ The Antipolo Cathedral
๐Ÿชก Ardour

Tulad ni Marta, nawaโ€™y matuto tayong maglingkod nang may pagmamahal.Tulad ni Lazaro, nawaโ€™y manatiling matatag ang ating...
29/07/2026

Tulad ni Marta, nawaโ€™y matuto tayong maglingkod nang may pagmamahal.

Tulad ni Lazaro, nawaโ€™y manatiling matatag ang ating pananampalataya.

Tulad ni Maria, nawaโ€™y lagi nating piliin ang manatili sa piling ni Hesus.

Nawaโ€™y maging inspirasyon sa atin ang banal na magkakapatid na taga-Betanya sa pamumuhay ng may pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.

Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria ng Betanya, ipanalangin ninyo kami.

โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish
๐Ÿชก Ardour

Kapistahan ng mga Banal na Magkakapatid ng Betania: Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria MABUTING BALITAโšœ๏ธ Lucas 10, ...
29/07/2026

Kapistahan ng mga Banal na Magkakapatid ng Betania: Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria

MABUTING BALITA

โšœ๏ธ Lucas 10, 38-42 โšœ๏ธ

Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus at ang kanyang mga alagad sa kanilang paglalakbay at pumasok sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing itoโ€™y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kayaโ€™t lumapit siya kay Hesus at ang wika, โ€œPanginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.โ€ Ngunit sinagot siya ng Panginoon, โ€œMarta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at itoโ€™y hindi aalisin sa kanya.โ€

โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish
๐Ÿชก Ardour

28/07/2026

Sa Betania, matatagpuan ang isang natatanging ugnayan ng pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod sa pamamagitan ng magkakapatid na sina Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria ng Betania.

Sila ay naging larawan ng isang pamilyang bukas ang puso kay Hesus, si Marta na naglingkod nang buong pagmamahal, si Lazaro na naging saksi sa kapangyarihan ng Panginoon, at si Maria na nag-alay ng taos-pusong pagsamba at pag-ibig.

Ang kanilang buhay ay paalala na ang tunay na pananampalataya ay naipapakita sa paglilingkod, pagtanggap, at pagmamahal sa kapwa. Sa bawat tahanang tulad ng Betania, nawaโ€™y manatili ang presensya ni Kristo na siyang nagbibigay liwanag at pag-asa.

Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria ng Betania, ipanalangin ninyo kami.

โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish
๐Ÿชก Ardour by Fer Mark

Send a message to learn more

โšœ๏ธ LOS HERMANOS de BETANIA โšœ๏ธKatuwang sa Pananampalataya, Saksi ng Pag-ibig ni Kristo.โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish ...
27/07/2026

โšœ๏ธ LOS HERMANOS de BETANIA โšœ๏ธ

Katuwang sa Pananampalataya,
Saksi ng Pag-ibig ni Kristo.

โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish
๐Ÿชก Ardour

โšœ๏ธ Ang mga Banal ng Betania โšœ๏ธSa piling ng Panginoon, ang magkakapatid na sina Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria d...
26/07/2026

โšœ๏ธ Ang mga Banal ng Betania โšœ๏ธ

Sa piling ng Panginoon, ang magkakapatid na sina Santa Marta, San Lazaro, at Santa Maria de Betania ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa ating pananampalataya.

Sila ang larawan ng isang pamilyang nagmamahal, naglilingkod, at buong pusong tumatanggap kay Hesus sa kanilang tahanan. Nawaโ€™y tularan natin ang kanilang pananampalataya, kababaang-loob, at pagmamahal sa Diyos at kapwa.

San Lazaro, Santa Marta at Santa Maria de Betania, ipanalangin ninyo kami.

โ›ช๏ธ Mary Help of Christians Parish
๐Ÿชก Ardour

Address

Biak Na Bato Street Silangan 1
Rosario
4106

Telephone

+639064371622

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ardour by Fer Mark posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share