RMA tailoring

RMA tailoring the word of god is the foundation of knowledge.

'TIYAKIN ANG CONVICTION NI VP SARA'Binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cenda...
21/08/2026

'TIYAKIN ANG CONVICTION NI VP SARA'

Binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang kahalagahan ng matibay na ebidensiya upang matiyak ang conviction ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

“Ang kinakailangan nating gawin at this point in time is to present the evidence, make it difficult for the senators not to vote for conviction because of their political loyalties,” pahayag ni Cendaña.

Aniya, magiging mahirap para sa mga senador na bumoto laban sa conviction kung matibay ang ebidensiya at naniniwala ang publiko sa pagkakasala ng Bise Presidente.

“Kasi ’pag matindi talaga ang ebidensya at may consensus talaga ang taumbayan na guilty si VP Sara sa pang-aabuso sa kapangyarihan, mahihirapan ’yung mga senador na bumoto laban do’n sa katotohanan,” dagdag niya.

21/08/2026
PAGBIBIGAY-PUGAY KAY NINOY AQUINONagbigay-pugay si Sen. Kiko Pangilinan kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa...
21/08/2026

PAGBIBIGAY-PUGAY KAY NINOY AQUINO

Nagbigay-pugay si Sen. Kiko Pangilinan kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa paggunita sa ika-43 anibersaryo ng kanyang pagkamatay ngayong Agosto 21.

Binigyang-diin ni Pangilinan ang naging sakripisyo ni Ninoy para sa bayan, na aniya’y nagbago rin sa landas na kanyang tinahak tungo sa katotohanan at katarungan.

“Dahil sa naging sakripisyo ni dating Senador Ninoy Aquino nagbago ang landas na aking tinahak tungo sa katotohanan at sa katarungan at sa pagiging isang aktibo at mulat na lider estudyante.”

Nagpasalamat si Pangilinan kay Ninoy sa kanyang katapangan at paninindigan para sa kalayaan at demokrasya.

“Salamat Ninoy sa iyong katapangan, paninindigan at sa iyong pag-alay ng buhay para sa kalayaan, sa demokrasya at para sa bayan.”

'BAKA KINAIN NA SILA NG KANILANG KONSENSYA'Nagbigay ng reaksyon si House prosecution spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong...
21/08/2026

'BAKA KINAIN NA SILA NG KANILANG KONSENSYA'

Nagbigay ng reaksyon si House prosecution spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong sa pagrecant ni Orly Guteza sa nauna nitong salaysay, gayundin sa pagbawi ng pahayag ng iba pang tinaguriang “Maleta Boys.”

Inihalimbawa ni Adiong ang naunang pahayag ni Senator Robin Padilla tungkol sa Lascañas affidavit na maaari umanong iangkop sa mga nagrecant ng kanilang testimonya.

“Bakit tayo maniniwala sa isang sinungaling, yung paiba-iba yung testimonya. So that is something na we can also apply in this case,” ani Adiong.

Ayon kay Adiong, maaaring konsensya umano ang nagtulak sa kanila na bawiin ang kanilang mga salaysay.

“Baka kinakain na sila ng kanilang konsensya dahil wala naman talaga silang ebidensya at wala naman talagang katotohanan yung mga kanilang pinagsasasabi,” paliwanag niya.

Dahil nasa Ombudsman na ang kaso, sinabi ni Adiong na ipinauubaya rito ang pagsusuri sa epekto ng recantation ng ilan sa mga sangkot sa usapin.

Address

Apple Street Newlower BicutAn Taguig City
Taguig City

Telephone

+639050872026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMA tailoring posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RMA tailoring:

Shortcuts

Share