14/06/2024
QUARTERBALE GUIDELINES & TIPS
BASAHIN MO TO KUNG GUSTO MONG MAY MATUTUNAN AT MAGKA IDEA SA PAPASUKIN MO 😂
Pakibasa po lalo na sa mga first time mag uukay dyan, please po make sure na handa kayong mag take ng risk! Ukay po ito. Kung ang hanap po ninyo ay mabranded at lahat magaganda, mag mall nalang po kayo 🙂
Paano ba kinukuha ang quarterbale? Yung binuksang isang bulto, hinati sa 4 na sets. Hindi po lahat ng laman ng quarterbale ay magaganda: kasama dyan yung mga may flaws/damaged at old fashioned. Ngayon, kung gusto po ninyo ng walang tapon, prepacked po ang dapat sa inyo at hindi quarterbale.
PANTAY po ang pagkakahati ng bawat sets ng quarterbale na binebenta ko. Pantay hindi lang sa quantity, sa quality din. I made sure na lahat yan ay merong magaganda. Ngayon, kung magkano ang kikitain niyo ay naka depende sa:
A. PRICING - kung magkano ang presyuhan mo. Ang blouse usually 100 to 200, ang dress 150 to 250. You can check sa IG, yung ibang sellers mas mataas pa dyan ang presyuhan. Bakit? E kasi nga hondi lahat ng makukuha niyo ay magaganda kasi UKAY PO IYAN. Pano mo mababawi puhunan mo kung pati yung magaganda ibebenta mo lang ng singkwenta?
Paano ba dapat ang presyuhan? Sa blouse, yung mga magaganda, benta mo ng 150. kung yung 8 blouse na nasa post by set ay binenta mo ng 150, meron ka na agad na 1200. Onti nalang mababawi mo na pinuhunan mo. Sa dress, kung yung 6 na dress na nasa post ko per set ay binenta mo ng 200, may 1200 ka na agad. Onti nalang bawi na puhunan. Yung natira, benta mo ng 50, 80, 100, 3 for 100 ganern.
B. PRESENTATION - Kahit anong ganda pa nyang tinitinda mo kung di mo maipresent nang maayos, di mo mabebenta ng mahal yan. Kahit anong simple ng damit kung mappresent mo nang maayos, mabebenta mo yan.
Sa una, baka di niyo pa ma appreciate yan kasi gusot yan dadating sa inyo. Ako before ganyan din. Pagbukas ng bale, mapapaisip ako ay di maganda. Pero once na naplantsa ko na siya, saka ko marerealize na magaganda rin naman pala 😂 Kung marumi, labhan. Kung gusot, plantsahin. Kung may tastas, tahiin.
Ano ano bang mga ways ko pwede ipresent nang maayos yung damit?
1. Flatlay- sa Pinterest ako nakuha ng gagayahan na peg. Marami don
2. Suot mo sa mannequin - Kung may budget pambili ng mannequin, go! May iba kasing buyers mas gusto yung may idea sila ano itsura ng damit pag sinuot na.
3. When worn - i-model mo na madam, ikaw na mismo magsuot! 😁
Factors na need i consider pag nagphophotoshoot: backdrop, lighting, and props.
BACKDROP - I highly suggest na plain white. Pero there are some na nagamit ng curtains, paleta, wallpaper, etc. Pero for the clothing to stand out, you might want to get a simpler backdrop.
LIGHTING - natural light pinaka da best. Ako, natural light lang gamit ko, all thanks sa malalaking windows, well lit ang room 🙂 But if not feasible, some sellers use ring light. Tas onting edit sa photo editor.
PROPS - kung artistic ka at magaling sa mga design design na yan, chance mo na to magpakitang gilas 😂 Pero for me, I want to make it as simple as possible, kasi yung damit ang need mag stand out, not the props. But again, may kanya kanya tayong taste, nasa sayo na yan 😁
Some sellers prefer mag live selling. Bet ko rin to itry, nagiipon lang ng lakas ng loob 😂
Yung iba naman may pwesto, which is better!
C. PATIENCE AT SIPAG - walang nagiging milyonaryo overnight, tandaan niyo po yan. Di po madali magbenta ng ukay, lalo na ngayon laganap na sya 😂 Di gaya dati na iilan palang nagbebenta online. Ngayon, malaki na ang competition. Kaya mag ipon nang maraming patience at sipag. Share lang nang share sa mga buy&sell groups. Kung may budget, try niyo mag paid ads sa fb or ig.
Kung ikaw ay:
- maarte
- mareklamo
- tamad
- walang diskarte
- mahina ang loob
Hindi po para sa inyo ang ukay. Kaya wag niyo na po subukan pang sumabak ✌️
May iilan na din po akong mga suki. Di lang yan sila nagsasabi pero I know na minsan di ganon kaganda mga nakukuha nila 😂 Pero nakuha pa rin po uli sila sakin. Hindi dahil sa magaganda mga binebenta ko, kundi dahil alam nila pinapasok nila PERO alam din nila pano nila didiskartehan 🙂
Hindi po ako batikan. Marami pa po dyan na mas bongga pa ang mai-aadvice sa inyo compared sakin. Pero sana may maitulong yung shinare ko sa inyo. Laban lang po lagi, aangat din po tayo ❤️