09/23/2025
Liham para sa KORAP
Sa ilalim ng bandila, sila’y nakatayo,
Ngunit nasa kanila ang dapat para sayo
Pangakong matamis, sa dulo’y mapait,
Ang pagboto sa kurakot yan ang kapalit
Buwis ng mahirap, sa yaman napupunta,
Hirap ng bayan, sa kanila’y ligaya.
Lamesa’y punô at sa pagkain ay sagana
habang masa ay nakakapit sa salitang pag asa
Silyang ginto ang upuan ng magnanakaw,
Batas ay laruan, katarungan ay nababawal.
manhid na sila sa sigaw ng mamayan
kaya patuloy tayong magalit at wag hayaan
Hanggang kailan magbubulag-bulagan,
Sa sistemang bulok, pusong sakim at halang?
sigaw ay pagbabago at pagboses nang sambayanan,
At ang halimaw ng korapsyon, dudurugin ng bayan.
CuratedVisualz
📸: