03/02/2023
Nalilito ka ba kung anong bibilhin mong stroller para sa iyong newborn baby?
Ito ay base lamang sa experience ko. Ang unang una mo dapat piliin ay:
1. REVERSIBLE HANDLE - invest kayo sa ganyang stroller meron din namang mga mura.
Nagsisi talaga ako na hindi reversable handle yung binili kong stroller dahil minsan pag napapadaan kami ng baby ko sa kalsada minsan yung usok ng sasakyan/motor diretso sa kanya at minsan napupuwing siya kaya ginagawa ko tinatakpan ko nalang ng tela yung harapan nya.
At syempre sa unang milestone maganda maglakad lakad ng nakikita mo ang muka ng baby mo at nakikita ka din ng baby mo.
You can talk to your baby while walking βΊοΈ
2. BACK REST CAN RECLINE UP TO 175Β° or IN LYING POSITION - hindi pa pwede paupuin ang newborn kaya ang dapat na stroller mo ay pwedeng ipahiga.
3. HAVE BIG CANOPY - I saw some travel stroller na maganda nga siya pang travel dahil natitiklop ng super liit pero yung canopy niya ay super liit. Mas maganda malaki ang canopy para maproteksyunan siya sa sikat ng araw.
4. SPACE SAVER - meron naman akong nakitang stroller na maganda nga sya pero kapag tiniklop super laki padin ng nakakain niyang space sa bahay. Piliin mo ang stroller na pwede mong mailagay sa likod ng pinto or sa gilid gilid ng bahay niyo.
5. EASY TO FOLD - masaya ako sa nabili kong stroller dahil isang pindot lang tiklop na agad lalo na hawak ko ang baby ko. Hindi gaya ng nauna kong binili na chicco stroller kailangan ko pa ng pwersa at ng dalawang k**ay para lang matiklop ko siya.
6. EASY ACCESS STORAGE BASKET - naloka ako sa binili kong stroller hindi ko napansin na super liit ng lusutan ng gamit. Tas pag naka inclined na yung likod hindi ko na makuha ang gamit na nasa basket. Kaya ang piliin mo yung malaki yung lusutan ng gamit.
7. CAN BE USE 0 UP TO 3 YEARS - pang last ito, mabilis lumaki ang baby, if ang bibilhin mong stroller ay pang newborn lang hindi sulit. Piliin mo na yung pang matagalan na gamitan. Yung kakasya siya hanggang toddler.
Yan lamang ang mga mahahalagang katangian na dapat piliin mo sa pagbili ng stroller.
Ito ang mga top 5 stroller na mairerecomend ko na mabibili sa shopee: