18/04/2026
𝘽𝙤𝙜𝙪𝙨 𝙢𝙞𝙣𝙚𝙧? 𝙍𝙏𝙎? 𝙋𝙖𝙧𝙩 𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙣𝙚𝙜𝙤𝙨𝙮𝙤. 😅
Hindi lahat ng “mine” sa live,
tunay na bibili.
Hindi lahat ng nagco-comment ng
“get ko po” ay talagang magbabayad.
At hindi lahat ng nag-order
ay tatanggapin ang parcel.
May mga tao talagang
magmimine lang para mang-trip.
Mag-oorder lang para mang-trip.
O kaya bigla na lang mawawala.
Kami na seller?
Nag-sort.
Nag-pack.
Nag-print ng waybill.
Nagbayad ng shipping.
Naglaan ng oras.
Tapos sa dulo…
RTS.
Return to seller.
Ibig sabihin?
Walang benta.
May gastos pa.
Yung iba akala nila maliit na bagay lang yun.
Pero sa totoo lang…
Sa maliliit na negosyo tulad namin,
yung isang RTS pwedeng katumbas na ng isang araw na pagod.
Puhunan na naipit.
Oras na nasayang.
Shipping na kami pa ang nag-abono.
Pero alam mo kung bakit tuloy pa rin kami?
Kasi sa bawat bogus…
may isang totoong buyer.
Sa bawat RTS…
may customer na marunong tumupad.
Sa bawat taong nantrip…
may mga suki na totoong sumusuporta.
Kaya hindi kami titigil.
Dahil ang negosyo, hindi lang puro benta.
Kasama talaga diyan ang pagsubok.
𝗔𝘁 𝘀𝗮 𝗱𝘂𝗹𝗼…
Hindi kami matatalo ng bogus miners.
Hindi kami matatalo ng RTS.
Dahil habang may taong totoong sumusuporta…
lalaban at lalaban kami.
Negosyo ’to.
Hindi sugal.
At ang totoong negosyante?
Hindi sumusuko sa isang RTS lang.
Sana sa ganitong mga pagkakataon…
May boses din ang maliliit na negosyante.
Hindi lang sana buyer protection ang iniisip ng sistema.
Kundi pati seller protection…
Dahil sa bawat RTS at bogus order.
May maliit na negosyong nalulugi.
May puhunan na nasasayang.
At may taong nagsisikap na nawawalan ng pag-asa.
‼️Caption by Abante Babae Online Shop‼️