07/17/2026
Been reading a lot of post regarding joy miners.😭😭 Nakakaawa ang mga sellers na nagpapagod, nagpupuyat, nakakalimutan ng kumain, nawawalaan ng oras sa pamilya nila. Iyong 10 hours silang naglilive minsan more pa ang iba para lang mahit ang qouta nila. Nakakapressure, nakakadraine at higit sa lahat nakakadepress iyon.
Dahil online seller ako naawa ako sa kanila. Dahil alam ko pagod nila. Ang pinagkaiba ko sa kanila hindi ko hinahayaan kainin ako ng sistema na ganito. I protect my peace of mind. Hindi ako nakikipaghabulan at hindi ko pinipressure ang sarili ko. Masaya na ako kahit konti ang viewers at miners atleast lahat sila legit. Iyong hindi ako mastress pag nag invoice na ako. Lahat ng mga miners ko pag nagsend ka invoice para digital pay agad. Ang iba sa tagal kong mag invoice, sila na ang gagawa ng invoice nila at para makapagbayad na.😂😂🤭
To be honest sa limang taon kong paglilive iilan lang nakasalubong kung joy miners. Mabibilang ko lang sa mga daliri ko. I am grateful enough and blessed to meet nice people. Iyong hindi ka nila tatakbuhan, iyong tipong seen mode lang sa mga invoice nila. Pag send mo ng invoice in two days magbabayad na sila. If not magmessage sila at makikiusap ng maayos. Kaya bless ako talaga. 🙏
I would rather have 25 miners that are responsible than having 50miners. Life is not a race, lahat may right timing. Be grateful enough even smallest blessings. Konti kita pero makakatulog ako sa gabi ng payapa. Okay ang mental health ko. 🤗
Sa mga joy miners diyan, maawa kayo. You have no idea how hard online seller had to go through. It seems like easy job, pero hindi po. Puhunan at pagod palang qouta na sila. Kaya huwag mo ng dagdagan. Matuto kayong magpigil ng sarili, pag walang budget huwag magmine. Manood lang libre lang naman po. Be responsible buyers.
Sa mga kapwa ko online seller be gentle to yourself. Puhunan natin ang kalusugan natin. Protect your mental health. Kailangan tayo ng pamilya natin, mas mahalaga sila kaysa kikitain natin. Oo lahat tayo may pangarap, pero hanggang saan ka dadalhin ng pangarap mo. Laban lang. PAUSED.. CONTEMPLATE. ENJOY.. EAT.. PRAY🤗🫡
P.S.
Ito po ay pananaw ko lang naman. 🥰❤️