08/10/2026
Hanggat may isang naniniwala , MAGPATULOY KA 💕
Ang TUMAL nilalabanan yan , hindi sinusukuan. Nakakalungkot dahil sa sobrang hirap na makabenta ngayon madaming online sellers ang huminto.
Sa mundo ng pag nenegosyo hindi pwedeng basta basta ka nalang pang hihihinaan ng loob pag nakaranas ka ng tumal , dapat positive lang at maging matapang dahil mas madami pang pag subok ang darating sayo.
Porket nakita mo ung suki mo , sa iba na kumukuha or naka direct na sa supplier mo eh hihinto ka na?
Porket Mas mura benta ng mga kapwa sellers mo at wala kang viewers sa live mo eh hihinto ka na?
Porket inabot ka ng tumal days , susuko ka?
Grabe ang struggles ng mga online seller , kung matumal last year mas dumoble ang tumal ngayon.
Okay lang na hindi mangyari ang gusto mong mangyari, Ang hindi okay eh yung hindi mo manlamg sinubukang gawin yung alam mong kayang kaya mo naman gawin. - Pepito
Tandaan mo , 1 dollar is better than zero. Sipag at tyaga lang lahat tayo makaka ahon. God will always provide , wag mo kalimutan mag pasalamat sa araw araw….
Thank You Lord