31/08/2026
Quick story time on the way to work… 👻
Kasabay ko bumaba ng tram si ateng. Sa tram pa lang, medyo creepy vibes na talaga yung feeling ko sa kanya. Lately kasi, ang dami ko nang nakakasabay na mga taong nagsasalita mag isa or biglang tumatawa magisa. Pero si ate ngiti lang magisa and somehow mas lalo akong kinilabutan.
Pagbaba namin nauna na ako maglakad kasi may dala dala siyang parang trolley. Pag silip ko sa likod ko, tumigil siya kasi inaayos pa niya yung dala niya. So tuloy tuloy lang ako maglakad. After a while, hindi ko na siya maaninag sa likod ko, kaya sabi ko Okay, safe. Hindi kami same ng daan.
Pagliko ko sa street kung saan derecho na yung lakad ko, sumilip ulit ako sa likod… wala na talaga si ate. So ayun, relax na ako. Lakad lang habang feel na feel ko yung soundtrip ko.
Tapos midway na ng lakad ko, may narinig ako sa likod. Akala ko susi ko lang na gumagalaw sa bag kasi nakasabit lang sa bag. Pero nung lumingon ako…
ANDON ULIT SI ATENG. 😭😭😭
At ang bilis niya! Partida may hinihila pa siyang trolley. Ako pa naman yung mabilis maglakad talaga pero halos abutan na niya ako. Kaya lalo kong binilisan yung lakad ko tapos feeling ko, binibilisan din niya. (Baka may sumusunod din sa likod niya? Char! 😂👻)
At this point, yung soundtrip ko naging background music na lang sa horror movie na hindi ko naman piniling maging bida. 😂
Pero seriously, not being judgmental. Wala naman akong alam ke ateng tiyak pauwi lang din naman sya sa bahay nya and I’m not judging her at all. It was just one of those moments na may certain vibe ka talagang nararamdaman and for some reason nacreepyhan talaga ako sa tram pa lang. Sorry na agad ateng! 🙈
Talagang kinilabutan ako habang naglalakad hanggang makadating ako sa bahay ng patient ko and honestly kahit ngayon habang tinatype ko to, kinikilabutan pa rin ako. 😂😭
Anyway, nakarating naman ako safely sa work kagabi at ngaun ko lang nga kinaya iupload at iedit to dahil may araw na. Di ko keri gawin kagabi🙈🤣
Mamaya naman sana pagpasok ko wala nang horror movie scene… trabaho lang po tayo. PLEASE. 😭👻😂
Kayo, may experience na ba kayo na ganito? Yung wala naman talagang ginagawa yung tao pero somehow, may creepy feeling ka lang? Or ako lang talaga to? 🤣🙈👀