26/03/2025
Pki like 👍 pa share & Pa comment naman po sa mismong page ng story ko po✨✨✨💕💕💕Sobrang importante po ung bawat reaction (like👍, heart ❤️ ) at bwat share & comment nio po😍✨✨✨thank you so much po💕😍😍😍✨✨✨
It’s all about my true experience noong mag Tsunami 🌊 po 14 years ago (that was March 11,2011)…
🇯🇵🎌Story being an Earthquake & Tsunami 🌊 Survivor *** By: Ycel B. Hatakeyama
(“Asked for GOD’s 😇Grace & Guidance, And GOD will always Provide “)
Japan 🇯🇵 Journey
Traumatic Experience
& Tsunami 🌊 Survivor
Event Part 2✨✨✨
December 2008 when I came here in Japan 🇯🇵 with a Spouse Visa.I met my “ Destiny “👩❤️👨because of my Sister 👩🏻 & my Japanese brother in-law.And for someone like me who was born & raised in a warm country & suddenly going to a very cold 🥶 place is really surprising.Especially I came here in winter ❄️ season , It was very hard & big adjustment for me .My first days & first months here in Japan 🇯🇵 were very difficult.From Monday to Friday, my husband go to his work & I feel bored 😴 during the day because I can’t talk to my in - laws because I don’t know how to speak 🗣️ Nihonggo very well.
Every morning,I helped my mother in -law in making my husband’s bento 🍱.Sometimes, kapag “ Yasumi “ or walang pasok ang husband ko, He takes me on Trips & takes me to a beautiful 🤩 places.✨
Every Sunday, my husband takes me to Church ⛪️ to attend Sunday Mass & even though We have different religions, He had so much respect for my religion as a Roman Catholic.
It was 2009 When I first got pregnant 🤰 but unfortunately, I had a miscarriage 😭😔.It was so Heartbreaking 💔 & I cried a lot but , I ‘d never questioned God for I know that HE has a better plan for Us…After a Year, I got pregnant 🫄 again & by this time, They took better care of me…😍✨✨✨
October 2010 when I gave birth 🤱to my Son 👶✨via Caesarean Section .My Ob Gyne told Us that It was very difficult for me to gave birth thru Normal delivery dahil sobrang laki at napaka lusog ng baby ko & He was almost 4000 grams when I gave birth to Him…First time Mom, 👩🏻 First time Dad 👨, First Grand son 👶 & We were very Happy 😊✨for having my Son.
4 months , after I’d gave birth to my son 👶 & the most traumatic challenges of Our lives came 😭😭😭.
March 11,2011 a magnitude 9.1 earthquake struck & caused a Massive tsunami 🌊 that hit & shook Eastern Japan 🇯🇵 (Tohoku Region)…& Rikuzentakata City 🏙️ is where my husband’s family lived & my husband was born & raised there….
That day, around 2:30 🕝 pm, We were in the living room & suddenly, there was a very Strong Earthquake & the shaking 🫨 lasted for few minutes.😱😱😱😭😭😭😭I thought the house 🏠 would collapse because of the strong earthquake & I was so scared 😱 & trembling with nervous 😥 … I told my in - laws that” We had to get out of the house 😭😢😢!!!”& I’d Pray 🙏 to GOD & said, “ Lord, Please help Us”
I quickly went out carrying & hugging my 👶 son…I thought it would be safer to stay in front of our yard.& while I was standing in front of our yard, naalala Kong tawagan ang aking kapatid at ang aking husband … but, wala ng signal ng mga Oras n iyon. Labis akong nag alala 😢para sa aking kapatid dahil nabanggit nia sakin na Papunta sya ng Maiya Supermarket ng hapong iyon…And then, I’d heard the fireman’s 🚨 siren,& the voice saying” Tsunami 🌊 desu, !!! Hayaku takai tokoro ningete kudasai !!!” That means, there is a Tsunami 🌊 & go to the higher ground !!!😱😭😭😭😭Lalo akong natakot at sabay nasambit ko na “ Lord 🙏🙏🙏Tulungan mo po kami 🙏😭😭😭Lord , iligtas mo po Kami !!!😭😭😭Napatingin Ako sa itaas ng bundok na nasa kabila lng ng Kalsada namin at tinatawag ako ng mga taong naroroon n bilisan ko n daw umakyat ng bundok dahil delikado daw😢😢😭!!!then suddenly, I heard the unfamiliar sound na sa tanang buhay ko, noon ko lang narinig at pakiwari ko , parang rumaragasang tubig na ito😱😭😭😭pagkarinig ko sa nakakatakot na tunog na iyon ay hindi na ko nag dalawang isip na tumakbo na at pag tingin ko sa may Kalsada namin ay nakita ko ang paparating na napakataas na napakaitim na tubig na me kasamang ibat ibang uri ng bagay , mga kagamitan, mga bahay, naglalakihang poste ng kahoy ,at kung anu ano pang mga bagay..😭😭😭
Nanginig ang buo kong katawan sa sobrang takot 😱😱😱😭😭😭at mas binilisan ko pa ang aking takbo habang mahigpit Kong hawak ang aking sanggol🤱 paakyat sa bundok at sa aking muling paglingon, nakita ko na sa aking likuran ang aking mga byenan bitbit ang aking sapatos dahil tumakbo akong nakamedyas lng …at Saktong pag akyat namin sa medyo mataas na lugar , Ilang hakbang lang ay rumagasa na ang ang napakalaki at napakaitim na tubig sa aming likuran , muntik muntikan na kaming maabutan 😭😭😭…Thank you So much Lord 🙏🙏😭😭😭😍😍😍😍Hindi mo hinayaang kami ay matangay 😇😍😍😍🙏🙏🙏…mula sa itaas ng bundok, me mga taong samin ay naghihintay at iniabot nila ang kanilang mga kamay at tinulungan nila kaming mas makaakyat pa sa mas mataas na lugar dahil me posibilidad daw na muling bumalik ang tubig at me posibilidad na abutin pa daw ng tubig ang aming kinaroroonan. Nung nasa itaas na kami ng bundok, bumungad sa Aming lahat ang ka lunos lunos na tanawin sa ibaba na punung puno ng samut saring basura ng mga nasirang kabahayan, mga gusali, mga Punong kahoy,at kung anu pang bagay at kahit saan ka lumingon, puro maitim na tubig ang buong kapaligiran , may mga sumasabog, mga nag uumpugang kabahayan , mga inaanod na sasakyan at mga nasusunog na kung anong mga bagay.. At sabi sakin ng aking mga biyenan, “ Mama, watashi tachi no ouchi , Nani mo nai 😭😭😭!!!’” Ibig sabihin, wala na daw ung aming bahay sa Ibaba 😭 Demo , minna de budgi desu yokatta naaa😭😭😭pero buti na lang daw at ligtas kaming lahat 😭😍😍pero nung mga Oras na yon, d pa namin alam kung anong kalagayan ng aking asawa😭😭😭iyak at hagulhol na lang ang aming nagawa at niyakap kaming mag ina ng aking mga byenan.. Sa bundok na aming tinakbuhan, ay may “ Jinja” o Shrine … Doon kami lahat sumilong dahil habang mayat maya me mga after shock 😮 pa, ay umuulan pa ng snow ng hapong iyon…at nang medyo humupa na ng konti ang aming mga takot na naratamdaman, tsaka ko lang naalala na wala man lang pala akong nabitbit na gatas o dede ng baby at kahit na pampers man lng 😢😢😢.. at sa sobra kung gulat, at pagtataka na Hindi man lang umiyak ang aking anak simula pa man nung kami’y lumabas ng bahay at tumakbo Papunta dito sa aming kinaroroonan .. tahimik at Nakamasid at nakatingin lamang sa aking mukha ang aking anak sa buong maghapon hanggang nung gabi na iyon.Malalim na ang gabi at hindi ko pa napapadede ang aking anak at nag alala na rin pati na ang mga nakatatandang mga kapitbahay namin na Kasama namin s jinja at ako lang ang me baby sa mga evacuees na nandito Kaya’t mabuti na lang , me kendi sa bulsa ang kaibigan ng byenan Kong babae at nakiusap sila sa mga kalalakihang bumbero dun na tunawin ito at nghanap sila ng maaring mapaglagyan at ininit nila ang kendi at tinunaw ngunit wala kaming bote ng dede para maipadede ito sa aking baby at naisip ko na “baka kako me maliit at malinis na tela kayo dyan,”af nagkataon, meron din palang panyo sa bulsa ang kaibigan ng aking byenan at ito ay aking hiniram at isinaok ko at binasa ang panyo sa tinunaw na kendi at ito ang ipinasipsip ko sa baby ko ng gabing iyon🙏😢✨✨✨Tunay na Dakila ang Panginoon , ✨✨😇😇😇that if you asked For God’s Grace, He will Provide 🙏🙏🙏😍😍😍💕💕💕… Naitawid namin ng gabing iyon ang uhaw at gutom ng aking anak 😍😍😍…
Sa Kabilang dako naman, sa lugar Kung saan nandoon ang aking asawa ay sobrang alalang alala daw Sya lalo na sa aming mag -ina… Bagama’t pinipigilan daw Sya ng mga nakatatandang opisyal sa kalapit na lugar na iyon , dahil wala daw madadaanan papunta sa lugar namin sa Rikuzentakata at puro katubigan na ang aming lugar ay hindi pa din sya nagpa pigil sa kabila ng madilim at mapanganib na kanyang tatahakin para kami ay hanapin✨.. Me mga Kasama din syang mga kalalakihan na taga roon malapit sa block namin at naglakad sila at tinawid ang mga bulubundukin upang makarating sa iniisip niyang maaaring matakbuhan namin ….
Umaga na nang Sya ay makarating sa kinaroroonan namin at ng umagang iyon, mula sa di kalayuan ay natanaw ko ang aking asawa , hapong hapo at alalang alala ang mukha ngunit ng masilayan niya kaming Mag -Ina ay biglang nagliwanag ang kanyang Mukha at bumilis ang kanyang mga hakbang papunta sa aming mag -Ina 😭😭😭😍😍😍
Parang tagpo sa isang pelikula, pero sa pagkakataong ito, Kami mismo ang gumaganap at totoong nangyayari at hindi isang eksena😢😢😢… Dali Dali niya kaming niyakap at kami ay nag iyakan at ang sabi nia,,, “ Kamisama 🙏🙏🙏😇Arigatou💕🙏🙏🙏 watashi no kazoko mamotta “🙏🙏🙏😇😇😇that means, Thank you God😇🙏, Iningatan Mo ang Aking Pamilya “😍🙏🙏😇😇😇
At nung araw na iyon ay lumipat Kami ng ibang evacuation center dahil sa wala daw relief goods na makakarating sa aming kinaroroonan dahil Hindi makakakalapag ang helicopter 🚁 dahil puro tubig ang aming lugar…Naglakad Kami lahat at tinawid namin ang kabilang bundok & It took 2 hours before Kami nakarating sa kabilang Jinja … Pagdating namin doon ay malugod nila kaming pinatuloy at inabutan nila kami ng makakain at gatas , dede , at pampers ng anak ko, 😍💕💕💕Sa wakas, mapapadede ko na din ang baby ko..,😍😍😍💕💕💕✨✨✨✨Lahat ng mga kalalakihan doon ay tulung tulong na ng iihaw ng isda 🐟 at ang mga kababaihan naman ay tulung tulong na nghhanda at inilagay ang mga onigiri 🍙 sa mga paper plate at tumulong n din ako at ibinigay ko muna sandali ang baby ko sa aking byenan…3days din kaming ng stay dito sa Jinja na ito at ini suggest ng kinakapatid ng asawa ko na mas makabubuting ilipat kami ng ibang evacuation center na Kung saan mas magiging komportable kami ng baby ko dahil medyo crowded dito.. at mas marami daw reliefs ng mga gatas af pampers dun s isang evacuation center n iyon at tlgang puro mga bata daw ang nandoon dahil isa etong Eskwelahan 🏢at mas maluwag ang space sa Paaralang iyon… at bago kami makalipat sa ibang evacuation center ay dumating ang aking kapatid ksama ang aking 2 pamangkin..😢💕💕At Kami ay nagyakap at nag iyakan ng Oras na iyon .. me nka pagsabi daw s knila n nandito kmi at kaagad nila kaming pinuntahan dito..,😍🙏💕💕💕
We’ve stayed almost 1 week sa 3rd evacuation center na nilipatan namin hanggang sa mahanap na din kami ng mga kapatid ng biyenan ko at kami ay pinatira sa bahay nila dahil lubos din silang nag-aalala dahil nga daw sa kakapanganak ko pa lang at mas kailangan naming mag ina ang mas komportableng matutulugan . Sobrang Dami ng mga tulong ., mga relief goods , mga damit, 👗👚👕kagamitan, ⏰📺📷pampers at ibat ibang supplies 🧸🛍️🔦🧻ang aming mga natanggap mula sa mga kamag-anak, mga kaibigan , sa buong pamahalaan ng Japan 🇯🇵 Red Cross Japan 🇯🇵 Caritas Japan 🇯🇵 Catholic Church ⛪️ community (kyoukai) , at ibat ibang Bansa kabilang na ang bansa natin sa Pilipinas😍😍😍💕💕💕💕💕…Kaya Super Thank You 🙏 Kay Lord at Walang hanggang Pasasalamat sa Guidance at sa lahat ng ginamit niyang instrumento na matulungan kami at unti unti kaming makabangon 😍😍😍😍💕💕💕🙏🙏🙏…
Nawalan man kami ng Bahay , Ang mas importante ay ligtas kaming buong pamilya at Buhay .💕😍😍😍
And We’ve Start our new life again here in another Town … 😍✨✨✨
“Nawalan man Kami ng Bahay sa Lupang kinagisnan ng aking Asawa , Ngunit ang mga Alaala ng Nakaraan ay mananatiling mananahan at magpakailanman “..
And the lesson that We realized & learned from this Disaster is that, “ We should always be prepared at all time & that our first priority is the safety of Our Love ones “
“ Always Pray 🙏 to GOD & We have to be Grateful for all the blessings that We Have “