26/09/2024
Nakakatuwa naman si TIKTOK ❤️
Honestly nakailang withdraw na ko kay tiktok, di naman siya kalakihan barya barya lang pero nakakatuwa lang kasi may nanunuod ng video ko na walang kwenta tapos may nabili pa sa affiliate link ko. Di ko kayo kilala pero Salamat ng marami. HAHAHA 😂 Lulupit nyo mga boss ko.
This time iipunin ko na siya, pakonti konti lang. ang malaki nagsisimula sa maliit. Ginawa ko lang libangan eh kumita pa. haha.
Tapos pala yung ibang product makukuha nyo ng libre pero gagawan nyo sya ng video upon request approval ng store. May mag rerequest sainyo ng product collab. If may product naman kayo na gusto at walang FREE sample, bibilin nyo talaga siya pero may commi ka naman dun sa sarili mong purchase. Yan ha, sinabe ko na diskarte.
Pero most of the time sakin, Free ko lang sya nakukuha. Kaya sa mga Marites hahaha, ito na lang gawin nyo if wala kayo magawa sa buhay kesa buhay ng iba inaatupag mo. haha. wala kang kita dun.
Ang challenge mo lang dito ay yung discipline sa pag gawa ng video at pagedit. haha minsan nakakatamad pero if sisipagan mo ba walang imposible 😉