26/01/2026
WORTH IT NGA BA?
Ito ang kadalasang tinatanong nga mga aspiring teachers na nais magturo dto sa US. Ang sagot ay depende po sa magiging sitwasyon at mindset mo. Batay sa aking sariling karanasan, worth it naman pagdating sa mga sumusunod:
1. Professional Growth- Dito ay nakakawindang ang technology dahil super advance sila. Nakakaoverwhelm sa una pero kapag naaral mo na, magiging madali na lang. Every month, my Professional Growth meeting at libre ang mga trainings na shouldered ng school. May trainings din na babayaran ka kapag natapos mo.
2. Experience- aside sa experience mo sa school culture dito, marami ring matutuhan sa paraan ng pamumuhay rito. Ito yung mga experience na hindi lahat meron kaya mapalad ka kasi nararanasan mo.
3. Sahod- malaki ang suweldo dito sa US kapag naconvert sa Pinas pero malaki din ang gastosin. Iba-iba ang experience ng mga teachers dito pero sa akin na mag-isa for now, kalahati ng suweldo ay napupunta sa upa at bills. Kaya uso rin dito ang nagdodouble job na mga locals. Gayunpaman, mas maigi kaysa sa finacial status ko sa Pinas. Basta marunong kang magbudget at hindi magarbo ang lifestyle, for sure makakabayad ka sa Pinas at makakaipon ka dto.
Gayunpaman, ang pagpunta rito ay nangangailangan ng determinasyon at pagtitiis. Pagtitiis sa homesickness, loneliness at work pressure. Maraming mga araw na maiiyak kang mag-isa at halos sumuko na dahil sa ugali ng mga mag-aaral dito. Nakakatulong ng lubos ang laging pananalangin at pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos.
Kaya kung mayroon kang positive mindset at determined na attitude, apply na!