20/04/2021
Konti kaalaman sa Philippine Landrace Sativa πΏπ΅π
Landrace Sativa sticker design ay may bulaklak ng Sampaguita, ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Know your local strain this April 20, 2020
PHILIPPINE LANDRACE SATIVA o mas kilala sa tawag na LOKS / LOKALS
Ang Landrace strain ng bawat bansa ay magkakaiba at walang katulad. Sila ay native sa bawat rehiyon o bansa, ibig sabihin ang kanilang genetic constitution o genotype ay apektado ng kapaligiran kung saan sila nabuhay at nacultivate ng matagal na panahon. Kapaligiran kagaya ng klase ng lupa, klima, at elevation ay malaking factor sa isang landrace strain. Natural silang nabubuhay sa isang lugar, at kusa silang dumadami sa natural na paraan ng pagbagsak ng buto sa lupa. At dahil iisang strain lamang ang nasa isang lugar, napapanatili nito ang kanilang pagiging pure Sativa o Indica. Mababago lamang ito kung sasadyain ng tao na ito ay icrossbreed.
Dito sa atin sa Pilipinas, ang ating landrace ay Sativa. Nag orihinal ito sa Kalinga Province, Northern Luzon. Dito ay matataba ang lupa, malamig ang klima at mataas ang elevation ng kabundukan, maganda rin ang tama ng sikat ng araw sa halaman. Ito ay umaabot ng halos 3-4 na metro ang taas, at sinasabing katulad ng lemon ang aroma nito. Kapansin pansin din sa phenotype nito ang halong kulay green at purple buds, at mahahabang dahon.
Ang mga kilalang lokals dito sa atin ay sinasabing matatagpuan sa Kalinga, Sagada, Kibungan, La Union, Cebu, Compostela Valley. At isa sa mga pinakasumikat ay ang Baguio Gold na naging paborito ng karamihan.
Ikaw, ano ang paborito mong loks? π
Landrace Sativa sticker design ay may bulaklak ng Sampaguita, ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.