17/12/2023
Pag ikaw tinulungan ng magulang mo kahit may asawa kana, mag pasalamat ka. Hindi kana nila obligasyon lalo na kung ikaw ay gumawa ng sarili mong pamilya. Alam nila kasi kung gano kahirap ang mag taguyod ng isang pamilya nang walang inaasahan, kaya binibigay nila ang kaya nilang itulong sayo. Maliit o malaking bagay ay dapat mong ipag pasalamat. Mula sa pag tira sa bahay nila ng walang upa hanggang sa pag gamit ng kasang kapan nila ay dapat mong ipag pasalamat. Hindi lahat ng magulang ay ganyan. Sabi nga nila kayang makita ng anak na nahihirapan ang magulang pero di kaya ng magulang makita ang anak na magdusa. Kaya bago magalit sa magulang isipin mabuti na hindi kana nila obligasyon pero andiyan parin sila handa kang tulungan at gabayan hanggang kaya mo na.