14/11/2022
Yeah...
Marami sa atin ang nakagawian nang tumambay muna
sa bahay matapos mag-graduate sa kolehiyo.
Lalo na kung ang pamilya ay may K naman sa buhay.
One of the many reasons why some people
who dreams big and wants to achieve their greatest goals
ends up in “pwede na” instead of “ang galing naman!”.
Yung pag-po-procrastinate yung isang araw na maging productive
in exchange of a comfortable laziness and tambay.
“Malaki naman ang kinikita nila Mama.”
“My Dad is the manager naman so no pressure to look for work.”
“We still can afford naman talaga, so why work agad?”
Hindi ko naman sinasabi na aagawan nating ng role
yung parents natin para maghanap ng way to provide,
but why not let’s do this for ourselves?
Not for our own selfish ambitions, but for improving and growing.
Hindi yung mananatili tayong aasa sa mga magulang natin.
WORK, EARN AND SAVE
Kung ang iba siguro sa atin ay hindi na-pe-pressure magbanat ng buto
dahil sa pagiging kampante sa yaman ng kanilang pamilya…
Aba! Iba na yan, KaChink! (Tamad skills level 1000?)
Ang ating mga magulang ay hindi na bumabata.
Madali na lang din silang mapagod lalo na
kung sila ay nasa between 45 to 60 years old.
Kaya ngayon habang kaya pa natin at malakas pa tayo,
this is the best time to work, earn and save!
Marami pa tayong mahahanap at tatanggap sa atin na kumpanya.
SAVE, INVEST AND SAVE
Dun tayo sa mas beneficial. Spending might be permissible,
but not all the time it’s beneficial.
Mas nalulugi pa rin tayo sa mas maraming gastos,
kaysa sa mas maraming ipon o kaya ay pagiging kuripot na
may epektibong diskarte.
Then mas maganda kung yung percentage ng ating ipon
ay i-invest natin sa stock markets at iba pa.
Magpundar ng own business para mapa-ikot yung pera at kumita.
Aside sa pagiging empleyado, mas maganda kung may raket pa.
Kung mahalaga para sa atin ang purpose at essence
why we save, invest and save again, we will take this seriously.
MAKE IT A PART OF OUR LIFESTYLE
There’s this fact that a routine or a practice done for at least 21 days
and is consistently continued on will become a steady habit..
Gusto n’yo ba yon? Parang ganito lang ang pwedeng mangyari:
The moment manalaytay na ang habit to save, invest and to save,
we will have less gastos as we keep it as a habit and a lifestyle.
Kaya dapat laging nating tatandaan ito…
“Magbanat tayo ng buto para sa ating kinabukasan.
‘Wag nating i-asa ang pag-unlad sa ating mga magulang.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Umaasa ka pa rin ba sa mga magulang mo?
2. O naghahanap ka ng trabaho para din matulungan sila?
3. Anu-anong pagkakakitaan ang naiisip mong ipundar?
======================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access