07/07/2022
ANO ANG PWEDENG GAWIN KUNG MAY LAGNAT ANG BATA NGUNIT WALANG PARACETAMOL?
Health Tips By Dr. Katrina Florcruz (Jan 4, 2022)
Sa ngayon ay madaming kababayan ang nagbabalita na wala silang mabili na Paracetamol sa mga botika. Narito ang ilan sa pwedeng gawin sa lagnat ng bata kung walang Paracetamol na available (or habang naghihintay ng stocks).
Bago ang lahat, gumamit ng thermometer at i-check ang body temperature ng bata kung may lagnat siya. Ang lagnat ay temperature na 37.8 degrees Celsius and above. Kung ito ay 36 or 37, normal ito at walang lagnat ang bata. Kung may lagnat, here are some tips:
1. SPONGE BATH. Kumuha ng bimpo, basain ng maligamgam na tubig, at pigain mabuti. Gamitin ang moist towel upang punasan ang buong katawan ng bata at matulungan bumaba ang lagnat. No need to put alcohol sa tubig.
2. HYDRATION. Painumin ng Oral Rehydration Solution (ORS) ang bata upang hindi ma-dehydrate. Pwedeng bigay ang ORS kung may lagnat, watery stools, at vomiting. Kung ang baby ay nagb-breastfeeding, continue breastfeeding. Bukod sa ORS, pwede din ang tubig, fruit juice, at sabaw upang maiwasan ang dehydration.
3. COMFORTABLE CLOTHES AND ROOM. Keep your child comfortable. Iwasan ang sobrang makapal na damit at kumot. Dapat ay hindi mainit o kulob ang kuwarto, at maganda ang daloy ng hangin.
4. Kung ang bata ay 6 months old and above, ask your Pediatrician if pwede na bigyan ng Ibuprofen para sa lagnat. Ang Ibuprofen ay binibigay ayon sa edad at timbang. Consult your pediatrician kung ano ang tamang dose. May nakasulat din sa package label on proper dosing. Ang Ibuprofen ay binibigay every 6 hours kung may lagnat ang bata. IMPORTANTE: Ibigay ang Ibuprofen nang may laman ang tyan. Bawal din ang Ibuprofen sa mga batang may allergy dito.
Ito ang mga warning signs na dapat bantayan sa bata na may lagnat at kailangan ng immediate medical attention:
1. Lagnat na hindi bumababa/pabalik-balik
2. Panghihina ng katawan
3. Walang gana kumain
4. May ubo, sipon or hirap huminga
5. Seizure
6. Other unusual symptoms
DAGDAG PAALALA:
1. Isolate muna ang mga family members na may sakit upang hindi makahawa.
2. Laging maghugas ng kamay.
3. Magsuot ng face mask kung lalapit sa may sakit upang hindi mahawahan.
4. Stay muna sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas
5. Eat healthy food.
6. Magpakonsulta agad sa inyong doctor kung may nararamdaman o sakit
References: Stanford Childrenโs Health, Healthy Children. Org
** Disclaimer: This post is for educational purposes only and not intended as a substitute for medical consultation with your Medical Doctor