Dropship by Noel

Dropship by Noel ▪️ TOP PERFORMER
▪️ TOP GEN-Z WORLDWIDE🌎
▪️ INTERNATIONAL COACH

This is my page🩷

30/07/2026

5 HABITS na dapat mong simulan, Kung gusto mong UMASENSO sa Buhay:

1✅. Mag-invest sa sarili araw-araw.
Magbasa, matuto ng bagong skills, at palaging i-improve ang sarili.

2✅Disiplinahin ang pera.
Mag-ipon, umiwas sa luho, at matutong mag-invest kaysa puro gastos.

3✅ Gumawa ng aksyon kahit maliit.

Huwag hintayin ang "perfect time." Ang consistent na kilos ang nagdadala ng malaking resulta.

4✅ Piliin ang tamang environment.

Makisama sa mga taong may pangarap at positibong mindset.

5✅Maging consistent at huwag sumuko.

Ang tagumpay ay hindi nakukuha sa bilis, kundi sa tuloy-tuloy na pagsisikap.

Ang pag-asenso ay hindi nangyayari sa isang araw.

Nagsisimula ito sa mga habits na inuulit mo araw-araw.

Simulan mo ngayon, at ang future self mo ang magpapasalamat." 💯🔥

Tiwala ka lang. Dika nag iisa😊🙏
29/07/2026

Tiwala ka lang. Dika nag iisa😊🙏

29/07/2026

3 BAGAY NA DAPAT MONG BAGUHIN KUNG GUSTO MONG MAGBAGO ANG FUTURE MO.

1✅ Itigil ang pagdadahilan.
Hindi hadlang ang kakulangan. Madalas, ang tunay na hadlang ay ang takot magsimula.

2✅ Kumilos kahit hindi ka pa handa.
Walang successful na taong 100% ready bago nagsimula. Nagsimula sila, kaya sila natuto.

3✅ Piliin ang disiplina araw-araw.
Ang future mo ay hindi binabago ng motivation, kundi ng mga desisyong inuulit mo araw-araw.

🔥 Tandaan:
Kung hindi mo babaguhin ang ginagawa mo ngayon,

huwag mong asahan na magbabago ang future mo.

Ang buhay mo pagkalipas ng limang taon ay resulta ng mga desisyong ginagawa mo ngayon


🚀

28/07/2026

5 Bagay na Dapat Mong Tigilan Para sa SUCCESS and GROWTH 📈 MO!!

1✅ Tigilan ang pag-iisip na "hindi ko kaya."

Lahat ng successful, nagsimula rin bilang beginner.

2✅ Tigilan ang pag-aantay ng perfect timing.

The best time to start is now.

3✅Tigilan ang takot sa opinion ng ibang tao.

Hindi sila ang bubuo ng pangarap mo.

4✅Tigilan ang pagiging komportable palagi.

Growth happens outside your comfort zone.

5✅ Tigilan ang pagsuko sa unang problema.

Every challenge is preparing you for something bigger.

✨ Your future depends on what you do today, not tomorrow.


27/07/2026

Kung gusto mong UMASENSO, tigilan mo ’to 👇🏻

Wag mong hintayin na ganahan ka
bago ka KUMILOS.

Dahil hindi araw-araw ganado ka.

Hindi araw-araw malakas ka.

Pero kung lagi mong susundin yung mood mo,

madalas wala kang matatapos.

May mga araw talagang kailangan mong kumilos

kahit TINATAMAD ka.

Mag-aral ka kahit konti.

Mag-ipon ka kahit maliit.

Gawin mo yung kailangan
kahit wala ka sa mood.

Kasi ang pag-asenso,

hindi lang para sa mga laging motivated.

Para yan sa mga taong willing magpatuloy

kahit MAHIRAP.

Wag mong sirain yung BUKAS mo,

Sa nararamdaman mo NGAYON




💪

26/07/2026

"Hindi ka TAMAD. Wala ka lang tamang OPPORTUNITY. 💯

Minsan, hindi kakulangan sa sipag ang problema—

kundi kakulangan sa tamang pagkakataon, tamang gabay, at tamang environment.

Kapag nahanap mo ang opportunity na bagay sa'yo,

doon mo makikita kung gaano kalayo ang kaya mong marating.

Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang hindi pa dumarating ang tamang pagkakataon.

Patuloy kang matuto, kumilos, at maging bukas sa mga bagong oportunidad.

Baka ang hinihintay mong pagbabago ay nagsisimula sa isang desisyong gagawin mo ngayon. 🚀✨


26/07/2026

BAKA HINDI LANG MALIIT YUNG KITA MO…

Kapag may pumasok na PERA, iniisip mo agad kung anong pwede mong bilhin.

Tapos kapag naubos, saka mo naiisip na dapat pala may itinabi ka.

Kaya kahit lumalaki yung KITA mo, parang wala pa ring nagbabago.

Unahin mo muna yung mga kailangan mong bayaran.

Pagkatapos, magtabi ka agad para sa IPON.

Wag mong hintayin na may matira bago ka mag-save.

Maglaan ka rin para sa SKILL, sideline, o maliit na negosyo na pwede mong palakihin.

Hindi lahat ng pera kailangan mapunta sa bagong gamit, pagkain, o luho.

May parte ng KITA mo na dapat nakakatulong gumawa ng mas malaking kita.

Hindi kailangang malaki agad yung naiipon mo.

Ang importante, nasasanay kang hindi magtira, kahit kaunti.

Kapag marunong kang magtira, mas handa ka sa problema

at mas may chance kang makakuha ng magandang OPPORTUNITY.

Wag ka mag focus sa yaman.

Mag focus ka sa tamang PAGHAWAK ng pera.

Spend your money to those things na magpapabalik sayo ng Pera..

Let's the money work's for you 😉

Comment Your Favorite Fruit 🥭
Explain ko sayo ginagawa ko 😉

Malay mo, ngayong taon kana pala, yayaman dahil sa diskarte mo!
26/07/2026

Malay mo, ngayong taon kana pala, yayaman dahil sa diskarte mo!

MAGDASAL KA LANG, HUWAG KANG MAG-ALALA HAWAK ni GOD LAHAT.Isang paalala na laging nagbibigay ng pag-asa.Pero sa totoong ...
24/07/2026

MAGDASAL KA LANG, HUWAG KANG
MAG-ALALA HAWAK ni GOD LAHAT.

Isang paalala na laging
nagbibigay ng pag-asa.

Pero sa totoong buhay,
mas madaling mag-alala kaysa magtiwala.

Sinasabi nating nananalig
tayo sa plano Niya.

Pero kapag patong-patong
na ang problema, parang
mas naririnig natin ang tibok
ng sarili nating kaba.

Minsan, sa gitna ng kawalan,
ito ang itatanong mo:

"Paano kung hindi
mangyari yung eksaktong hinihiling ko?"

O kapag matagal nang
walang sagot sa mga panalangin mo:

"Naririnig ba talaga Niya
ako o baka hinahayaan Niya lang ako?"

At ang pinakamabigat na
bulong kapag gusto mo nang sumuko:

"Ako lang ba ang
nakakaramdam na parang
walang nagbabago?"

Diyan nagsisimula ang
labanan sa loob natin.

Hindi naman sa wala
tayong pananampalataya.

Ang pinagmumulan ng conflict,
gusto nating maging advance
mag-isip dahil takot
tayong mabulaga ng bukas.

Gusto nating hawakan ang
manibela ng buhay natin
para sigurado tayo sa direksyon.

Nalilimutan natin na
ang pag-aalala ay hindi
makakatulong sa problema,
kundi nagnanakaw lang ng
kapayapaan mo ngayon.

Kung Siya ang lumikha ng buong mundo,
bakit natatakot tayong
ipagkatiwala sa Kanya ang bukas natin?

Ang pagdarasal ay hindi
para baguhin ang isip ng Diyos,
kundi para ihanda ang
puso mo sa kung anong hawak Niya.

Ibi-bitaw mo ba ang control
freaks sa utak mo para makahinga ka na?

O hahayaan mo na lang
na ubusin ka ng takot,

gayong ang buong buhay mo ay
ligtas naman sa mga palad Niya?


Brittany Hotel 🏨
22/07/2026

Brittany Hotel 🏨

Address

Corazon Compound Mamatid
Cabuyao
2025

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dropship by Noel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dropship by Noel:

Shortcuts

Share