31/07/2025
Hello po mga bossing!
Kami po ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at pagma-mine sa amin sa halos isang taon na pag la-live. Kayo po ang naging rason sa patuloy namin na pag la-live kahit minsan palugi na kami mag benta at mas marami pang joyjoy kesa sa nag mine 🤣. Kami po ay nagpapasalamat sa bawat pagbili, pagsubaybay, at pagtulong ninyo po sa amin.
Pansamantala po muna kaming magpapaalam upang mag focus sa aming pag-aaral. Alam po naming biglaan ito pero masyado napo kasing conflicting ang schedule po namin parehas at halos wala narin po kaming oras mag live.
Hinding hindi po namin malilimutan ang inyong suporta. Kayo ang naging inspiration namin sa bawat kuha namin ng sako sa bodega para i live kahit minsan pagod at puyat na kaming pareho galing school.
Sana po ipagpatuloy ninyo ang pagsuporta sa amin kapag kami po ay bumalik na.
MARAMING SALAMAT PO!!