16/09/2026
ang pagma-mine, optional. pero ang pagbabayad kapag nag-commit ka na, mandatory. 😉
first of all, hindi naman kayo pinilit bumili.
second, kapag bumili kayo, responsibilidad ninyong bayaran at kuhanin iyon.
lastly, kung talagang busy kayo at hindi makakapag-pickup agad, magbayad muna kayo (para hindi nadedelay at naaabala ang sellers). isa pa, wala pa ngang 5 minutes mag-transfer sa sobrang bilis ng e-wallets ngayon. 🥲
responsibility niyo maging accountable. kung mahilig kayong mag-“mine” o mag-reserve ng items, siguraduhin ninyong marunong din kayong magbayad on time. hindi dahilan ang pagiging “busy”, mapa-trabaho, eskwela, o personal duties man yan. kasi nung nag-mine kayo, naglaan kayo ng oras.
kung alam mong busy ka at walang oras mag-asikaso ng bayad o kumuha ng order, huwag ka muna mag-mine. nagse-secure ka ng items na pwede sanang mabili ng ibang siguradong buyers. laking perwisyo niyo. may mga pera nga, pero wala namang oras mag mine. walang pong pagkakaiba sa mga “bogus”, pare parehas kayong nakakaabala.
please lang respect the seller’s time and effort. 🙏🏼