01/04/2026
️😊Don't worry po NO PRICE INCREASE sa palaba nyo dito sa AteKitz The Laundry House. P150 pa rin po sa wash-dry-fold ng mga damit nyo, with fabric finishing spray pa para mas lalong mabango🥰
At during these hard times, mas lagyan lang po natin ng mas maayos na systema ang process ng WASH-DRY-FOLD service namin sa mga patuloy na tumatangkilik sa laundry house natin.
We are also affected sa pagtaas ng 50kg LPG na ginagamit natin sa DRYING. Just 3 weeks ago po, P4,200 ang 50kg lpg, yesterday when we ordered a refill, 😭 P5,500 na po. And today, the supplier messaged us that another increase😔 has been set starting today.
Pero we decided not to increase from our side at all. However, please understand the adjustments na kailangan po namin gawin sa weight per load.
✅️Up to 7kg po ang ating P150 per load. Sa ganitong paraan, bukod sa hindi na siksikan ang ikot sa washing, ay malaking tulong po sa amin na mababawasan ng bahagya ang drying time.
‼️Most importantly, hayaan nyo po na isort-out natin ang mga labahin wherein hindi po dapat mix sa isang load ang regular clothes, tapos may maong, tapos may kumot, twalya - alam nyo po madalas hindi nad-dry ng sabay-sabay, kaya nagpapadalawang ikot po kami sa drying. Sa situasyon po natin ngayon na anlaki ng itinaas ng lpg, talo na po talaga ang laundry house natin.
Pag maayos na sorted out ang mga tubal natin, lalong maayos malabhan, higit sa lahat po ay makakagaan sa drying time, maiiwasan po magpadalawang-ikot sa dryer, less po ang konsumo sa lpg. Sana po nauunawaan nyo.
Please feel free to message us for any inquiries or clarification.
🍀Thank you for your understanding.
God bless us all😇