08/02/2026
Nung nagpa-aassist ako sa BIR staff sa pagregister ng business, tinanong ako kung ireregister ko ba as VAT or Non-VAT (percentage tax), di ako makasagot kasi hindi ko alam kung ano magiging implication sa business ng bawat option. Sharing with you important information I learned para may guide lka sa pagpili:
1️⃣ Tignan muna ang projected annual sales
👉 Kung lampas ₱3,000,000 ang projected gross sales/receipts mo sa isang taon,
required ka na mag-VAT.
👉 Kung below ₱3,000,000, may choice ka: VAT (12% tax) or Non-VAT/Percentage Tax (3% tax)
2️⃣ Alamin ang klase ng clients mo
Kung clients mo ay VAT-registered businesses → mas okay madalas ang VAT
Kung end consumers / individuals naman → mas practical ang Percentage Tax
💡 Bakit?
VAT clients can claim input VAT, pero individuals can’t — so mas ramdam nila ang dagdag presyo.
3️⃣ I-check kung may malalaking expenses ka
Kung marami kang suppliers, rent, utilities, raw materials na may official VAT receipts
➡️ VAT can work for you kasi pwede mong ibawas ang input VAT (ito yung 12% VAT na nakikita mo sa mga resibo) pwede ito bumaba ng lower than 3% ng sales
Kung konti lang ang expenses na may VAT OR wala halos resibo:
➡️ Percentage Tax is usually simpler and cheaper kasi matik na 3% ng declared sales ang ibabayad mo sa BIR
4️⃣ Isaalang-alang ang compliance at paperwork
VAT = monthly VAT returns
, quarterly VAT returns, mas maraming computations
Percentage Tax = mas simple filing
,mas konti ang reports
📌 Kung first time mo pa lang at solo ka lang, madalas Non-VAT muna ang mas manageable.
5️⃣ Tandaan: hindi basta-basta napapalitan
⚠️ Pag pumili ka ng VAT usually hindi ka pwedeng bumalik agad sa Non-VAT within 2 years or more
Kaya importante na:
✔️ pinag-isipan
✔️ may projection
✔️ hindi padalos-dalos