10/01/2026
Anong kwento ng first appearance ninyo sa korte bilang abogado?
Ako, pinagalitan agad ni Judge kasi inutusan ako ng law office na magpa-postpone ng hearing. Ang hindi ko alam, nakailang postponement na pala ang kaso. Wala rin akong idea kung ano na ang actual status nun kasi hindi ko naman nasundan. Ayun, nag-litanya si Judge: “The problem with these law offices, pinapadala nila ang mga bagong lawyers at akala nila makakalusot sila.” 🤷🏻♀️🙈
Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit karinyo-brutal sa law school. Hindi ka pwedeng umiyak sa hearing dahil pinagalitan ka ni Judge sa harap ng maraming tao. Nakakaliit sa pakiramdam kapag hindi mo alam ang gagawin mo. Grabe ang stage fright ko noong nagsisimula pa lang ako, lalo na wala naman akong kilala na pwedeng magturo sa akin. Bagong abogado, bagong salta sa Metro Manila. Mabuti na lang pinalaki tayong makapal ang mukha, kaya kebs lang palagi. Bloopers everywhere, everyday.
Tip sa mga bagong abogado: huwag mahiyang magtanong. Halata pa naman ang bagong abogado, sobrang maporma tapos ang daming dalang files. 🙈🤭😂
Anyway, ask around. Wala namang taong alam na agad ang lahat. Ako nga, kapag hindi ko alam ang gagawin, sinasabi ko na lang na new lawyer pa ako, lol. Kaibiganin ang mga staff sa court, sila ang karamay mo palagi. Lalo na sa bawat sala ay may sari-sariling rules yan. Tanungin mo na agad, “Ano ba style ni Judge?” Para alam mo na kung pwedi ka bang ma late o baka pagdating mo sarado na ang pinto. May mga mababait na Judges at meron namang… huwag na nga lang.
Magugulat ka na lang talaga sa practice, kasi ibang-iba siya sa law school at sa totoong buhay. Good luck.