06/06/2026
OFW NA TAGA-NORTH COTABATO, NASA OSPITAL SA KUWAIT MATAPOS UMANONG PABAYÀAN NG EMPLOYER AT AHENSYA
ISINUGOD sa ospital sa Kuwait ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na taga-Barangay Estado, Matalam, North Cotabato matapos umano nitong takasàn ang kanyang employer dahil sa lumalàlàng kondisy0n ng kanyang kalusugan.
Kinilala ang OFW na si Erlinda Alvarado Tura alyas Erlinda Barrientos Tura, na nagtatrabaho bilang kasambahay sa nasabing bansa.
Ayon sa impormasyon, nakaranas umano si Tura ng matinding hiràp sa paghinga habang nasa trabaho. Sa kabila nito, pinagtatrabaho pa rin umano siya ng kanyang employer kahit lumalala na ang kanyang kondisyon.
Humingi rin umano siya ng tulong sa kanyang local agency upang maiparating ang kanyang sitwasyon, ngunit hindi umano ito agad pinansin at sinabihan pang nag-iinàrte lamang.
Dahil sa takot at patuloy na paghina ng kanyang katawan, napilitan umano siyang tumakas at direktang humingi ng tulong sa Migrant Workers Office (MWO), OWWA, at Philippine Embassy sa Kuwait.
Agad namang inaksyunan ng Embahada ng Pilipinas ang kanyang kalagayan at isinugod siya sa ospital para mabigyan ng agarang lunas.
Sa kasalukuyan, sumasailalim si Tura sa gamutan at operasyon matapos matuklasang may naipong likido sa kanyang baga.
Patuloy namang hinihintay ng kanyang pamilya sa North Cotabato ang kanyang paggaling at ligtas na pag-uwi sa Pilipinas.