ꜱᴜᴘʀ3ᴍᴏ

ꜱᴜᴘʀ3ᴍᴏ ᴡᴏʀᴋ ᴜɴᴛɪʟ ʏᴏᴜ ɴᴏ ʟᴏɴɢᴇʀ ʜᴀᴠᴇ ᴛᴏ ɪɴᴛʀᴏᴅᴜᴄᴇ ʏᴏᴜʀꜱᴇʟꜰ.

24/02/2026

PUNCH

Sa masukal na bansnag Japan kung saan ang ulap ay tila buhol ng kapalaran sa kawalan,
May isang munting matsing na iniwan sa piling ng malamig na lilim,
Hinahanap ang init ng inang sa kanya’y naging sandigan,
Ngunit ang yakap ay napalitan ng katahimikang tila walang hanggan.
Bakit ang pagmamahal ay kay daling bitawan kung kailan kailangan ng kalinga?
May mga yakap palang hindi itinadhana na manatili.
May mga pusong kayang talikuran ang lahat.
At sa bawat gabing magisa, natutunan niyang kausapin ang dilim.
Sapagkat ang dilim man ay masakit, ito’y tapat at hindi nang iiwan.
Iniwan sa lilim ng mga punong hindi marunong umunawa yakap ang kanyang kupas na laroan na tila huling hibla ng pagasa,
sapagkat sa katahimikan ng pagabandona ay doon niya natutunang ang kahit isang tahimik na bagay na hindi nagsasalita ay maaaring maging sandigan ng pusong lumbay,
at sa bawat gabing nilalamon siya ng alaala ng pag iisa ay mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito,
Na para bang sa telang iyon ay may tibok na sumasabay sa kanya,
Nagpapaalala na kahit siya’y iniwan ng mundo, may munting anyo ng pagmamahal na nananatili at hindi kailanman bumibitaw sa kanyang piling.
Tulad ng tao, ang munting nilalang ay napilitang tumayo sa sariling paa.
Tinanggap niyang hindi lahat ng nais ay magiging kanya.
Ang sugat sa puso’y hindi agad naghihilom, ngunit ito’y nagtuturo ng tibay.
Sa bawat pag akyat niya sa sanga, dala niya ang bigat ng pagiisa.
Sa kailaliman ng gabi kung saan ang kirot ay tila walang hanggan,
Dinurog man ang puso sa bigat ng pagkatalo,
Tinuruang bumangon at yakapin ang bagong pagbangon.
Pinagtaksilan ng mga pangakong isinumpa sa ilalim ng bituin,
Ngunit ang paninindigan ay nanatiling buo at hindi kailanman guguin.
Niloko ng matatamis na salitang puno ng huwad na liwanag,
Natuto kilalanin ang totoo sa likod ng bawat anino at pangarap.
Iniwan sa landas na tahimik at walang bakas ng kasama,
Ngunit sa pag iisa natagpuan ang sariling lakas at halaga.
Sa bawat pagkabigo na parang alon na paulit ulit na dumadaluyong,
Mas lalo pinatatag ang loob na dati’y tila nanginginig at tumutugon.
Hindi man pumabor ang mundo sa lahat ng mong hiling,
Pinili manatiling buo, matatag, at patuloy na lalaban pa rin.
Ang pag abandona’y naging g**o na mahigpit ngunit makatotohanan.
Doon niya natuklasan na ang lakas ay hindi laging minamana minsan ito’y hinuhubog ng sakit.
Ang bawat luha’y naging patak ng tapang sa kanyang dibdib.
Unti unti niyang niyakap ang katotohanang may mga pangarap na hindi para sa atin.
May mga taong dumarating lamang upang tayo’y subukin.
Sa pagdaan ng panahon, ang dating iyak ay napalitan ng matatag na paghinga.
Natuto ngumiti kahit ang alaala’y may bahid ng dalamhati.
Hindi piniling magkimkim ng galit, sapagkat ang galit ay tanikalang mas mabigat kaysa pag iisa.
Sa halip,
pinili magpatuloy, kahit ang mundo’y tila hindi pumanig.
At sa huli, ang munting matsing na minsang iniwan ay naging sagisag ng isang pusong marunong tumanggap, magpatawad, at manatiling matatag sa kabila ng lahat.

23/02/2026
MAG KAIBANG DIREKSYON. 🔥Sa salamin ng makabagong panahon, kabataan ngayo’y tila madaling mabasag,Sa bigat ng salita’y ag...
21/02/2026

MAG KAIBANG DIREKSYON. 🔥

Sa salamin ng makabagong panahon, kabataan ngayo’y tila madaling mabasag,
Sa bigat ng salita’y agad napapaurong, sa hamon ay agad natitinag.
Isang pagkatalo’y parang wakas na ng mundo,
Isang puna lamang ay sugat na sa puso.
Sa isip ay maraming alinlangan at takot,
Sa damdami’y unos na walang agad na lunas o sagot.
Pisikal na lakas ay madalas ikinukubli sa likod ng upuan at ilaw ng screen,
Sa pagod ng katawan ay reklamo ang nangingibabaw kaysa disiplina at routine.
May ilan ding naliligaw sa asal at pag-uugali,
Paggalang ay napapalitan ng yabang at padalos-dalos na pagkilos palagi.
Salitang matalim ang madaling ibato sa kapwa,
Ngunit hirap akuin ang sariling pagkukulang at pagkakamali sa mata ng madla.
Ngunit kung babalikan ang yapak ng kahapon,
Kabataan noo’y hinubog ng panahon at pagkakataon.
Sa init ng araw at hirap ng gawain natutong tumatag,
Sa kakapusan ng buhay ay natutong magsumikap at lumaban nang may lakas.
May paggalang sa nakatatanda at malasakit sa kapwa,
May dangal ang pananalita at may bigat ang bawat gawa.
Hindi agad sumusuko sa unos at pagsubok ng tadhana,
Bagkus ay ginagawang aral ang bawat pagkadapa.
Ngayon man ay tila magkaiba ang anyo ng henerasyon,
Hindi tuluyang nawala ang tapang, ito’y naghihintay lamang ng tamang direksyon.
Hindi kami madaling sumuko, sapagkat bawat pagkadapa ay may aral na kaakibat.
Ang disiplina’y hindi lang utos kundi pamana ng magulang at nakatatanda.
Respeto ang puhunan namin sa pakikitungo sa kapwa, bata man o matanda.
May takot at pananampalataya kami sa Diyos na nagsilbing gabay sa bawat desisyon.
Sa simpleng buhay natutunan naming magpasalamat kaysa magreklamo.
Hindi kami pinalaki ng luho kundi ng pangarap at sipag.
Ang bawat pagsubok ay naging hagdan patungo sa mas matatag na pagkatao.
Batang 90’s ako, at buong dangal kong ipinagmamalaki ang tibay, disiplina, at paninindigang dala ko hanggang ngayon.

16/01/2026

You have to...

🇹🇼

05/01/2026

Jeremiah 29:11 ✨

🇹🇼

Taking these photos every New Year is not just a photo, but a remembrance of the years we spent together and it will als...
01/01/2026

Taking these photos every New Year is not just a photo, but a remembrance of the years we spent together and it will also serve as a sign for future generations to look back on how a family can be strong through unity.

Address

Mahogany Street San Pablo RH11
Cotabato City
9600

Telephone

+639168415033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ꜱᴜᴘʀ3ᴍᴏ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share