01/09/2018
Sa mundo ng online sellers na halos lahat tinatakbo, minamadali at nililipad bawat transaction dahil ayaw masayangan ng oras..ung kahit madalas imposible pero pilit itatawid pa din dahil sa kita (profit) at dahil pinahahalagahan sobra ang commitment
PUYAT, PAGOD, GUTOM at STRESS ang kalaban..hindi madali, pero dahil ini embrace, Napamahal at isinapuso na natin ang ginagawa natin, nagagawa pa din natin ng may mga ngiti pagka harap na mga buyers...pero sa tuwing mag isa na lang, pagod at drained na, pero kailangan pa din sumagot at mag update ng mga mahal na buyers at mag asikaso din ng mga iba pa duties and responsibilities sa pamilya..
Kumikita ng maganda, pero sobra stress lalo may mga di ayus kausap na wala isa salita, at sobra demanding..pero since ito ang pinili natin na pagkakakitaan, push lang at nilalaban natin at ilalaban hanggang sa huli...
Hindi madali...totoo...pero hindi din naman puro HIRAP... mas lamang pa din ang good experiences, nakakakilala ka and eventually nagiging mga kaibigan ang minsang hindi mo kilala at all..nabibili ang mga gusto at nakaka travel pa..may mga pa incentive pa ang mga galanteng CEO, di na din kailangan mag ibang bansa, or bumalik pa dahil kayang kaya din kitain kahit nandito sa Pinas basta masipag ka...higit sa lahat, nakaka trabaho ka at kumikita na kasama ang mga anak at pamilya.
Despite all ...Let me also remind my co- online sellers, To pay attention sa health natin...hindi lang ilang beses na ako at family ko na nag worried sa health ko at ilang beses na nagpabalik balik sa doktor/hospital..(actually madami pa follow up appointments) at madami pa ako mga ka close na gaya ko ang may mga health issues at very young age...(CEO, DISTRIS)
Do not skip Meals, Eat healthy and more water, Enough sleep, and most of all, learn to let go, (inner peace) pag di mapaship ngayon may bukas pa, pag di nakuha ngayon, may bukas pa, pag bad day ngayon bukas for sure hindi na...
🙏🙏🙏
Ctto