Author Of Great Renown

Author Of Great Renown like my page guys thank you �

Don't deny it we all like crop tops and jeans ❤️🌼All credits to Pinterest 🍂💕
18/06/2020

Don't deny it we all like crop tops and jeans ❤️

🌼All credits to Pinterest 🍂💕

26/04/2020

"SABI MO"
Para sa mga taong pinangakuan ngunit di tinutuhanan.☺️

Sabi mo,
Ako'y tila isang tala sa kalangitan,
Na kay sarap kong pagmasdan.
Ngunit aking napagtanto,
Tala 'pala sa kalangita'y isang libo.

Sabi mo,
Ako'y isang buwan,
Na nagsisilbing liwanag sa kadiliman
Ngunit muli kong nalaman,
Ang buwan pala'y
Minsan lang kung magdala ng kaliwanagan.

Sabi mo,
Ako ang mundo mo,
Na nagbubuo sa buhay mo.
Pero 'di ko natanong sayo,
Baka doon ako sa dulo
Na may maliit na anyo
Na may ngalang pluto.

Sabi mo,
Ako ang buhay mo
Dahil kapag nawala ako
Mawawala ka rin sa mundo.
Pero nasaan na ang pangako mo,
Nakalimot ka't biglang naglaho
At iniwan mo akong nabibigo
Sa mga pangakong sabay nating binuo.

Nasaan na ang sabi mo?
Nasaan na ang mga pangako mo?
Nasaan na ang mga pangarap nating binuo?
Nasaan na ba tayo?
Tila naliligaw ako,!
Bakit nga ba naghihintay pa ako?
At bakit ba nagtatanong pa ako?
Alam ko namang ika'y may bago
At ako heto,
Pilit pinupunasan ko mga luhang dinulot mo
Na ngayon ay simbolo,
Na ika'y 'di na babalik sa piling ko.

Ako'y muling humiling na sa aking paghimbing,
Ako'y 'di na muling magising
Upang 'di na marinig
Mga pangakong walang paningin,
Na mananatiling nakalutang sa hangin
Na magiging isang pangitain na nagkukubli sa akin,
Sa takot na baka muling ibigin at muling paniwalain
Sa mga pangakong nakabitin nalang sa hangin
Na nagsasakal sa akin at ako'y paaasahin,
Ngunit di rin pala kakabigin.

Sabi mo na nga,
Ako ang tala
Sabi ko na nga,
Nagbago kana
Buhat ng may bagong talang nakilala.

25/04/2020

Dear God,
Today I woke up.
I am healthy.
I am alive.
Thank you,
I apologise for all my complaining.
I am truly grateful for all you've done.☺️😇

25/04/2020

He knows my secrets,
My scars and many bruises,
And then he lefts me.

24/04/2020

“IKAW AT AKO"

Ikaw at ako
Ako at ikaw,
Parehong salita
Parehong may letra,
Ngunit’ magkasalungat sila, diba?.

Ano ba ang papel ni ikaw kay ako?
Nakikita mo ba ang anggulo?..
Oh,..sadyang ang gulo gulo.
Halika at ipabatid ko sayo.!

Ako ang ilaw
At ikaw ang tanglaw,

Ikaw ang gabi
Ako naman ang araw,

Kapag ikaw ay nasilayan
Lubos aking kasiyahan.

Ikaw ang tala
Ako ang mata
Kapag ika’y nakita
Ako’y namamangha.

Kung ikaw ay maligaya
Labis akong masaya
At kung ikaw ay balisa
Ako’y nag aalala.

Pag ikaw ay nasaktan
Paheras ang nararamdaman,
Pag ako ang nasaktan
Labis kang nagdaramdam.

At mabuting mayroong ikaw,
Upang may silbi ang pagiging ako,
Kaya ikaw manatiling ikaw,
At ako ay mananatiling ako,
At kung ikaw ay akin,
Ako ay sayo din.

Keep your love one, everyone☺️😊💑❤️💕..

23/04/2020

"Ina"

Sa unang tingin,
Tila'y nalalamin
Pag iyong titigin
Nakaka humaling.

Gandang iyong taglay.
Aking sinalaysay,
Hugis kulay
Magka agapay

Sa iyong sinapupuna'y
Ako'y naging dalisay.
Sa iyong malamlam na kamay
Ako'y dagling nakahimlay.

Inang mahal ko,
Nawa'y mabatid mo
Kahit di masambit ko
Ang salitang mahal ko kayo,
Itong pagkatandaan mo,
Dito sa puso at isip ko,
Ikaw ang modelo.

Handog kong tula para sa mga Ilaw ng tahanan,ina, mama, inang, nanay, mom, mommy, mudra to all mother's out there.

☺️ Please guys love your Nanay, who cared and raised to build you as a better person,
now and forever more.😊☺️🙂
-say ILY to your Nanay now.😘

Address

Street Di Makita Ang Aking Halaga
Dasmariñas
4114

Telephone

+639679473569

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Author Of Great Renown posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share