20/11/2025
MAG-ASAWA NAKAPAG IPON SA ALKANSYA NG ₱550,000 SA LOOB NG DALAWANG TAON NA ITINATABI NILA MULA SA KITA NG KANILANG SARI-SARI STORE.
Ako po yung dating nag-iipon sa alkansyang piggy bank. At ngayon, matapos ang dalawang taon ng pag-iipon, muli namin itong binuksan ng asawa ko. Isa kaming may-ari ng sari-sari store, at bawat barya at perang naiipon namin ay galing sa araw-araw na pagod, pagsisikap, at determinasyon para sa aming pamilya.
Hindi madali ang magpatakbo ng sari-sari store. Araw-araw may pagod, may puyat, at may mga panahong hindi sapat ang kita. Pero sa kabila nito, labis kaming nagpapasalamat sa Panginoon, dahil kahit maraming gastusin, nakakaraos pa rin kami.
Dati kaming OFW, naging g**o, naging empleyado… pero iba pa rin talaga kapag ginagawa mo ang bagay na mahal mo. Iba ang pakiramdam kapag hawak mo ang oras mo at wala kang amo. Masarap sa puso na kahit mahirap, masaya ka sa ginagawa mo.
Mas lalo akong naantig nang malaman ko na ang mister ko, nag-ipon pala ulit nang hindi ko alam. Ibinigay niya sa akin ang ipon niya dahil alam niyang gusto ko pang ipaayos ang bahay namin. Napakasarap sa pakiramdam na may asawa kang kasama sa lahat ng hamon at sumusuporta sa mga pangarap mo.
Patuloy lang tayong magsikap. Darating at darating ang bunga ng ating tiyaga, sa tulong at awa ng Panginoon.
Kabuuang naipon namin: ₱550,000
God bless po sa ating lahat, mga kapeso.
ctto: PESO SENSE