04/05/2025
"Anak ko 'yan!"
Sigaw ng isang ama matapos masawi ang kanyang 4 na taong gulang na anak sa aksidente sa NAIA Terminal 1 nitong Linggo, Mayo 4. Papaalis sana ng bansa ang ama nang sumalpok ang isang itim na SUV sa departure area, na ikinasawi ng bata at isa pang indibidwal, habang tatlo pa ang nasugatan.
Ayon sa driver na si Leo Sinlao Gonzales, 47, residente ng Batangas—nakaparada raw siya at sa pagkabigla sa dumaan na sedan, silinyador ang natapakan niya imbes na preno.
CCTV Footage:
https://s.shopee.ph/1VmN6vQ0Li
Mula sa malagim na banggaan sa STEX na kumitil sa buhay ng mag-asawang magulang, hanggang sa trahedyang ito sa NAIA—tila ba araw-araw na lang may buhay na nauuwi sa wala dahil sa kapabayaan sa kalsada.
Kaya panahon na. Hindi lang para ayusin ang sistema ng pagkuha ng lisensya, kundi para palakasin at ipatupad nang mahigpit ang mga batas trapiko.
Dapat malinaw sa bawat motorista:
Ang pagsunod sa traffic rules ay hindi opsyonal. Disiplina ang tunay na lisensya sa kaligtasan.
At tandaan:
Ang aksidente, hindi lang nangyayari sa mga sasakyan.
Puwede rin ito mangyari sa e-bike, bisikleta, motorsiklo, o kahit anong mode of transportation.
Kaya anuman ang gamit mong sasakyan—malaki man o maliit—kapag wala kang disiplina, delikado ka.
"Ang manibela, handlebar, o pedal—lahat ‘yan may kasamang buhay. Disiplina ang tunay na preno."
News update: ABS CBN, DZRH
📷 Malditang Ina.