30/05/2026
Pagdiriwang sa araw ng Eid sa pamamagitan ng MUSABAQAH (May 28,2026)
Isang kasiyahang hinding-hindi makakalimutan ng mga estudyanteng mananaliksik ng kaalaman. Sa mga araw na hindi lamang talino ang nasusubok kundi pati ang pananampalataya, disiplina, at pagmamahal sa gawaing Ibadah. Sa bawat pagbigkas , dama ang kaba at pananabik, ngunit higit sa lahat ay ang hangaring makapagbigay-lugod sa Allah. Ang mga tinig na umaalingawngaw sa bulwagan ay paalala ng kahalagahan ng pagsisikap at pagtitiyaga sa pag-aaral ng Deen. Hindi lamang ito paligsahan, ito ay isang paglalakbay ng puso at isipan. Dito nabubuo ang pagkakaibigan, napapalalim ang ugnayan ng bawat isa, at naipapakita ang tunay na diwa ng ukhuwwah (pagkakapatiran). Ang mga ngiti ng mga kalahok, ang suporta ng mga g**o at magulang, at ang inspirasyong naibibigay ng bawat isa ay nagiging alaala na mananatili sa kanilang buhay. Sa simpleng pagtitipon na ito, natutunan nila na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pagkapanalo, kundi sa pagiging malapit sa Allah at sa patuloy na paghahangad ng kaalaman. 😊🫶
“Kami rin ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sponsors na nagbahagi ng kanilang Sadaqah upang maging matagumpay ang gawaing ito. Gayundin, lubos naming pinahahalagahan ang mga mudarris at mudarrisatan na naging bahagi at saksi sa araw ito, ang kanilang paggabay, pagtuturo, at walang sawang suporta ay naging inspirasyon sa bawat studyante. Nawa’y gantimpalaan kayong lahat ng Allah ng masaganang biyaya at patuloy kayong pagpalain sa inyong kabutihang-loob.” Allahumma Ameen 🤲 🖤
كُنْ نَافِعًا لِأُمَّتِكَ، وَكُنْ قُدْوَةً حَسَنَةً لِلْجِيلِ الْقَادِمِ
"Maging kapaki-pakinabang sa Ummah, at maging magandang halimbawa para sa susunod na mga henerasyon."
Location:One Jasa Lumber, Sasa12 Muslim Village, Davao City