04/06/2026
📌 SABI-SABI vs. KATOTOHANAN
1️⃣ . "Nasisira at lalong tumataas ang grado kapag laging nakasalamin."
❌ Ang Sabi-Sabi:
Kaya ayaw suotin ng iba ang salamin nila kasi "mamimihasa" o "mamanhid" daw ang mata, kaya lalong bibilis tumaas ang grado.
✅ Ang Katotohanan:
Maling-mali. Ang salamin ay hindi gamot na nakakapagpabago ng hugis ng bola ng mata (na siyang sanhi ng grado). Ito ay isang optical aid o tool para maging malinaw ang focus ng liwanag sa retina. Kapag hindi mo sinuot ang salamin mo, mapupuwersa at mapapagod lang ang mga kalamnan ng mata mo (eye strain), na pwedeng magdulot ng sakit ng ulo at pagkapagod.
2️⃣ . "Nakakahawa o nakakataas din ng grado kapag naki-salamin ka sa may mataas na grado."
❌ Ang Sabi-Sabi:
Huwag mong isusuot ang salamin ng iba (lalo na kung makapal) dahil "mahihigop" o "mahahawa" ang mata mo sa grado nila..
✅ Ang Katotohanan:
Hindi nakakahawa ang grado ng mata dahil ito ay structural (dahil sa haba ng eyeball o kurba ng cornea). Kung isusuot mo ang salamin ng may mataas na grado, makakaramdam ka lang ng hilo, sakit ng ulo, o pagka-blur, pero panandalian lang ito. Pagkaalis ng salamin, babalik din sa dati ang mata mo.
3️⃣ . "Kapag nag-computer o phone, pwede na 'yung ready-made na salamin sa bangqueta o online."
❌ Ang Sabi-Sabi:
"Pang-proteksyon lang naman sa screen" o "pang-basa lang naman," kaya pwede na 'yung tig-₱50 hanggang ₱100 na nabibili kung saan-saan.
✅ Ang Katotohanan:
Delikado ito sa katagalan. Ang mga ready-made glasses ay may parehong grado sa kaliwa't kanang lens, walang optical center alignment (hindi tumpak sa pupil distance mo), at madalas ay substandard ang materyales kaya may distortion. Pwede itong magdulot ng sakit ng ulo, pagka-duling (prism effect), at matinding eye strain. Ang tamang salamin ay dapat pasadyang sinusukat sa optical clinic.
4️⃣ . "Ang pagkaing mayaman sa Vitamin A (gaya ng kalabasa) ay makakapagpababa o makakatanggal ng grado."
❌ Ang Sabi-Sabi:
Kumain ka lang nang kumain ng kalabasa o carrots, maglalaho ang grado mo at makakakita ka na nang malinaw kahit walang salamin.
✅ Ang Katotohanan:
Ang Vitamin A ay para sa general eye health (lalo na sa night vision at pag-iwas sa tuyong mata), pero hindi nito kayang baguhin ang physical shape ng iyong mata para mawala ang nearsightedness (astigmatism o nearsightedness). Mabuti ito sa kalusugan, pero hindi ito kapalit ng salamin.
5️⃣ . "Kung hindi naman sumasakit ang ulo o malabo ang mata, hindi mo kailangan magpatingin."
❌ Ang Sabi-Sabi:
"Malinaw pa naman ang mata ko, nakakabasa pa ako, kaya hindi ko kailangan ng check-up."
✅ Ang Katotohanan:
Ang paglabo ng mata ay pwedeng dahan-dahan kaya hindi mo napapansin na uma-adjust na pala ang utak mo sa malabong paningin. Bukod dito, ang eye exam ay hindi lang para sa grado; doon din nakikita ang mga maagang senyales ng mga kondisyon gaya ng glaucoma, diabetic retinopathy, o matinding pagkatuyo ng mata na walang paunang sakit na nararamdaman.
6️⃣ . "Kapag ang bata ay binigyan agad ng salamin, lalong hihina ang mata habang lumalaki."
❌ Ang Sabi-Sabi:
Bata pa lang, sinasanay na sa salamin, kaya paglaki niyan lalong lalabo ang mata.
✅ Ang Katotohanan:
Baligtad! Kung ang isang bata ay may mataas na grado at hindi binigyan ng salamin bago mag-edad 7 o 8, pwedeng hindi mag-develop nang tama ang visual pathways sa utak nito. Ito ang nagiging sanhi ng Amblyopia (Lazy Eye), kung saan kahit lakihan mo ang grado ng salamin pagtanda niya, hindi na talaga liliwanag ang paningin niya. Ang salamin sa bata ay tulong para sa tamang paglaki ng visual system nila.
👓 Vintage Optical Express
🕶 Vintage Eyecare Int'l
🥽 Prestige Eyecare